Key Points
- Ang land rights ay nagbabalik ng ilang bahagi ng Crown land—hindi kasama ang pribadong ari-arian—sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander communities para sa kanilang kultural, sosyal, at ekonomikong kapakinabangan.
- Magkaiba ang land rights, native title, at treaty bilang mga legal at politikal na proseso, pero lahat ay naglalayong kilalanin ang ugnayan ng First Nations peoples sa kanilang Country at suportahan ang kanilang sariling pagpapasya.
- Nagsimula ang kilusan sa mga pangyayari tulad ng 1966 Wave Hill Walk-Off, na humantong sa mga mahalagang batas tulad ng Aboriginal Land Rights (Northern Territory) Act 1976, at patuloy pa rin ang mga hakbang para sa progreso hanggang ngayon.
- What are Aboriginal land rights in Australia?
- How did the Aboriginal land rights movement begin?
- What does Aboriginal land rights cover?
- What is the difference between Aboriginal land rights, native title and treaty?
- Why do Aboriginal land rights matter today?
- A local example: Darkinjung Aboriginal Land Council
- What are the challenges ahead for Aboriginal land rights?
- Why Indigenous land rights matter for all Australians?
Matagal na panahon na hindi kinilala ang ugnayan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples sa kanilang lupa. Kaya ipinasa ang mga batas sa land rights para bigyan sila ng legal na karapatang pamahalaan ang kanilang tradisyunal na lupain.
Bago pa dumating ang mga mananakop, libu-libong taon nang inaalagaan ng First Nations ang lupa. Pero kinuha ito ng kolonisasyon nang walang pahintulot, base sa maling paniniwala ng terra nullius—na ibig sabihin daw ay “land belonging to no one.”
Noong 1966, nakilala ang land rights movement dahil sa Wave Hill Walk-Off. Sumunod, noong 1967, nagkaroon ng referendum na nagbigay kapangyarihan sa gobyerno na gumawa ng batas para sa First Nations. At noong 1976, ipinasa ang Aboriginal Land Rights Act sa Northern Territory—ang unang batas na kumilala sa kanilang tradisyunal na claim sa lupa.

Prime Minister Gough Whitlam symbolically returning land to the Gurindji people on 16 August 1975, an act famously represented by Whitlam pouring sand into Vincent Lingiari's hand. Source: AAP
READ MORE

Explainer: The '67 Referendum
Mga termino na pinagsasama-sama na may magkaibang kahulugan:
- Land rights: Mga batas na ginawa ng gobyerno para ibalik ang ilang lupain sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander communities. Karaniwan, pinamamahalaan ito ng mga land councils na kumakatawan at sumusuporta sa mga komunidad.
- Native title: Legal na pagkilala na may karapatan pa rin ang ilang First Nations people sa kanilang lupa at tubig, batay sa tradisyunal na batas at kaugalian na kanilang pinangalagaan sa loob ng libu-libong taon.
- Treaty: Ito ay isang pormal na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng First Nations peoples. Mayroon na nito ang mga bansa tulad ng New Zealand at Canada. Pero dito sa Australia? Nasa proseso pa lang—wala pang pambansang treaty, kahit sa ngayon.
Pinagsama-sama, ang mga hakbang na ito ay naglalayong maghatid ng katarungan, pagkilala, at tunay na pagbabago. Sa pagbabalik ng lupa, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga komunidad na muling kumonekta sa wika, kultura, at Country—at nakakatulong din ito sa pabahay, kalusugan, at sariling kabuhayan.

The Wave Hill walk-off, led by Vincent Lingiari, was a pivotal moment in Australian Aboriginal land rights history. In 1966, Gurindji stockmen, domestic workers, and their families walked off Wave Hill Station in protest against poor working conditions and a lack of land rights. Credit: National Museum Australia

Vincent Lingiari beside a plaque marking the handing over of the lease in Wattie Creek, 1975. Credit: National Museum Australia
Layunin nitong ibalik ang lupa sa mga komunidad ng First Nations kung saan may kinikilalang koneksyon, kadalasan batay sa kasaysayan ng paninirahan o kahalagahang kultural o cultural significance.
Pero kahit may mga nagawa nang hakbang, marami pa ring hamon. Mabagal at komplikado ang proseso, at limitado lang ang mga lupang maaaring maibalik. Malapit na kaugnay ng land rights ang mas malawak na usapin ng katarungan, pagkakasundo, at pagkilala sa soberanya ng First Nations.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon para sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o paksang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.