Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Ang Nakaligtaang Kuwento: Ang Kabayanihan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa ANZAC Day

First Nations Anzac

The Australian War Memorial For Our Country memorial recognises the military service of Aboriginal and Torres Strait Islander peoples. Credit: Tracey Nearmy/Getty Images

Taun-taon, nagsasama-sama ang mga Australian tuwing ANZAC Day para alalahanin ang mga nagsilbi at nagsakripisyo. Pero kaninong mga kuwento ang naaalala natin? At sinu-sino ang hindi natin naririnig? Sa episode na ito, binubuksan natin ang isang bahaging matagal nang naisantabi ang tapang at serbisyo ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander people.


Key Points
  • Tinatayang nasa 1,200 Aboriginal na kalalakihan ang nagtangkang mag-enlist noong First World War, at humigit-kumulang 6,500 naman noong Second World War.
  • Hinarap nila ang maraming hadlang at mahihigpit na patakaran bago makapasok sa armed forces.
  • Sa kabila nito, marami ang gumawa ng matitinding paraan para makasali, kabilang na ang pagtatago ng kanilang pinagmulan.
  • At nang sila’y makabalik, hindi pa rin natapos ang laban, nanatili ang diskriminasyon at mga restriksiyong batas sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

    Maraming Aboriginal at Torres Strait Islander ang nagsilbi sa armed forces ng Australia, kahit pa sila’y ipinagbabawal noon.

    Ngayon, unti-unti nang nabibigyang-boses ang kanilang mga kuwento.

    Bahagi ng gawaing ito si Michael Bell, isang Ngunnawal at Gomeroi man bilang isang Indigenous Liaison Officer sa Australian War Memorial na tumutulong kilalanin ang kanilang sakripisyo, sa digmaan at sa sariling bayan.

    Dahil dito, mas nabubuo ang matagal nang kulang na kuwento ng kasaysayan.

    Ilang Aboriginal at Torres Strait Islander people ang nagsilbi noong First World War at Second World War?

    “We currently have just over 1200 Aboriginal men enlisted or attempted to enlist in the First World War, and we're estimating it's going to be about 6,500 men in the Second World War,” inihayag ni Bell.

    Indigenous Australians Honoured On Anzac Day At Coloured Diggers March
    Understanding ANZAC Day means recognising the contributions and challenges faced by Aboriginal and Torres Strait Islander peoples.  Credit: Brendon Thorne/Getty Images

    Patuloy pang nadadagdagan ang mga bilang na ito habang mas marami pang record ang natutuklasan.

    Sinuri ng War Memorial ang mga bilang ng nag-enlist batay sa kilalang populasyon ng mga Aboriginal people.

    Sa kabila ng matitinding balakid o hadlang, nananatiling makabuluhan at kahanga-hanga ang kanilang bilang.

    The rates of enlistments or attestations are the same as their non-Indigenous brothers and sisters.
    Michael Bell

    Anu-anong mga hadlang ang hinarap ng mga First Nations Australians noong sinusubukan nilang mag-enlist sa militar?

    Ayon kay Bell, hinarap ng mga Aboriginal people ang iba’t ibang restriksyon sa pag-enlist sa militar.

    Nilimitahan ang kanilang paggalaw sa bansa. Hindi sila kinilalang ganap na mamamayan—at minsan, hindi pa kinikilalang tao sa ilalim ng batas. Dagdag pa rito, madalas silang hindi tinatanggap dahil sa mga patakarang pabor lamang sa may European na pinagmulan.

    Dahil dito, napakalalaki ng naging hadlang sa kanilang pagnanais na magsilbi.

    Pero sa kabila nito, marami pa rin ang gumawa ng matitinding paraan para makapasok may isa pa ngang naglakad mula Queensland hanggang Albury.

    “On his way he's tried to enlist five times, ultimately to get in, and unfortunately didn't get to serve because he passed away of illness on the ship on the way over to the battlefield. So it's the dedication and reenlistment of our men where they've been rejected for being Aboriginal, but go back and try again.”

    Ang mga kuwentong tulad nito ay nagpapakita ng matinding determinasyon, tibay ng loob, at malalim na pagnanais na maglingkod sa bansa, kahit na ang bansang iyon ay hindi nagbibigay ng pantay na karapatan.

    Aboriginal And Torres Straight Islander Veterans
    A wreath is laid during the annual ANZAC coloured diggers service in Sydney. Credit: Lisa Maree Williams/Getty Images

    Ano ang nangyari sa mga First Nations servicemen o sundalo nang sila ay makabalik mula sa digmaan?

    Para sa maraming Aboriginal veterans o beterano, ang kanilang sakripisyo ay hindi nagdala ng pagkakapantay-pantay.

    Bumalik sila sa isang lipunan kung saan ang diskriminasyon at mga mahihigpit na batas ay bahagi pa rin ng araw-araw na buhay.

    “Our men were fighting for rights in a foreign war that they weren't entitled to in their home countries,” Mr Bell says. “And to come home to a desperately unequal society, and they go back into segregation, the lack of legal acknowledgement, the restrictions on ownership of land, equal wages, the restriction of managing our children, the Stolen Generations, were in full swing.” 

    May ilang Aboriginal veterans ang nakatanggap ng benepisyo, pero marami rin ang hindi dahil sa mas malawak na social at political na restriksiyon.

    Kahit ang pakikipag-ugnayan sa kapwa beterano ay naging mahirap.

    Karaniwang hinihikayat ang mga sundalong umuuwi na sumali sa mga RSL clubs, mga organisasyong sumusuporta sa beterano at nag-oorganisa ng mga seremonyang tulad ng ANZAC Day.

    Pero maraming club na ito ay mga lugar na may alak, at madalas ipinagbabawal noon ang pagpasok ng mga Aboriginal sa ganitong mga espasyo.

    Dahil dito, napagkaitan sila hindi lang ng suporta, kundi pati ng pagkakataong makipag-ugnayan sa iba. 

    Paano na ngayong kinikilala ng Australia ang serbisyo ng mgaAboriginal at Torres Strait Islander sa militar?

    Sa mga nakaraang dekada, mas naging aktibo ang Australian War Memorial sa pagtuklas at pagbabahagi ng mga kuwento ng serbisyo ng Aboriginal at Torres Strait Islander people.

    “Our stories are shared equally and proportionately throughout all of our galleries,” Mr Bell explains. “We have Indigenous content in all the services, all of the galleries, all of the stories, all of our representations.”

    There is no Black corner at the Australian War Memorial. What we do is tell the story equally throughout, as the veterans have asked us to do.
    Michael Bell

    “In the uniform, they could only see themselves as the colour of their service such as the green, the blue or the grey for army, air force and navy.”

    Ipinapakita ng ganitong pananaw kung paano tiningnan ng maraming Aboriginal na sundalo ang kanilang sarili, una sa lahat, bilang mga sundalo na kapantay ng iba.

    Kasabay nito, ang mga kuwentong matagal nang nakatago ay muling natutuklasan at naibabahagi sa kanilang mga pamilya at komunidad.

    “On the occasion where we have the only known photo of an Aboriginal man in our collection, and the family haven't seen it… we could provide that to them on behalf or in recognition of his service... and that's really touching and special for me—to be able to share that with the families that know this knowledge and information is held in an institution where we're positively trying to include the previously or lesser known story about Aboriginal and Torres Strait Islander service.”

    Para sa mga pamilya, napakalakas ng mga ganitong sandali, nakakatulong itong muling pagdugtungin ang kasaysayan, pagkakakilanlan, at ugnayan sa mga mahal sa buhay.

    Aboriginal And Torres Straight Islander Veterans
    The annual ANZAC coloured diggers event in Sydney celebrates the contributions of Aboriginal and Torres Strait Islander servicemen and servicewomen. Credit: Lisa Maree Williams/Getty Images

    Ano ang dapat mong malaman tungkol sa kasaysayan ng Aboriginal at Torres Strait Islander ngayong ANZAC Day?

    Ang pag-unawa sa ANZAC Day ay nangangahulugan ng pagkilala hindi lang sa mga ambag, kundi pati sa mga hamon na hinarap ng Aboriginal at Torres Strait Islander people.

    “It's about the full and total history of Australia and how it is today,” Mr Bell states, “not the unseen nation that we have been in previous years. And for the First World War guys, having to hide their heritage, we want to be able to encourage them, to see the full history of Australia as it is, not as it was written by previous systems that excluded our acknowledgement.”

    Ang ANZAC Day ay panahon para alalahanin ang mga nagsilbi sa mga digmaan at labanan, at para sa maraming Australians, isa itong sandali ng pagkakaisa upang bigyang-pugay ang kasaysayan.

    Habang mas lumalaganap ang mga kuwentong ito, mas nabubuo ang mas kumpleto at mas malinaw na larawan ng nakaraan at ng kasalukuyan ng Australia.

    Mag-subscribe o i-follow the Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

    May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapang? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au

    📢 Where to Catch SBS Filipino

    🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

    📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

    📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


    Share

    Follow SBS Filipino

    Download our apps

    Listen to our podcasts

    Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

    Watch on SBS

    SBS News in Filipino

    Watch it onDemand

    Watch now