Key Points
- Si Kyle Vander-Kuyp, isang proud Worimi at Yuin man, ay kinatawan ng Australia sa 110-metre hurdles sa Atlanta 1996 at Sydney 2000 Olympic Games.
- Si Lydia Williams, isang proud Noongar woman, ay kinatawan ng Australian women’s national soccer team, ang Matildas, mula 2005 hanggang 2024.
- Paano nagbibigay-inspirasyon ang mga Indigenous athletes sa susunod na hienerasyon?
- Anong mga hamon ang hinarap ng mga Katutubong manlalaro sa isports?
- Paano pinag-uugnay ng isports ang kultura at pagkakakilanlan ng mga Indigenous Australians?
- Anong pamana ang iniwan ng mga Indigenous athletes sa isports ng Australia?
- Bakit mahalaga ang Indigenous sport sa national identity o pambansang pagkakakilanlan ng Australia?
Sa paglipas ng mga taon, maraming atleta mula sa First Nations ang nakaabot sa rurok ng propesyonal na isports. Tulad nina Kyle Vander-Kuyp, dating Olympic hurdler, Lydia Williams, propesyonal na manlalaro ng soccer, at Cathy Freeman, alamat sa track, hindi lang nila kinatawan ang Australia — dala rin nila ang pagmamalaki sa kanilang kultura sa buong mundo. Paalala ang kanilang mga kwento na ang isports ay hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa komunidad, isang paraan ng pagpapahayag, pagkakakilanlan, at koneksyon.
Paano nagbibigay-inspirasyon ang mga Indigenous athletes sa susunod na henerasyon?
Para sa mga Katutubong atleta ng Australia tulad nina Lydia Williams at Kyle Vander-Kuyp, naging inspirasyon sa kanilang tagumpay sa pandaigdigang isports ang mga nauna sa kanila
“I've always loved sport and always loved football and playing and representing my country. But it's also been really an awesome experience and a role model job to represent my culture and my people, and to kind of have a pathway that you can come from anywhere and make your dreams a reality.”
Si Lydia Williams ay isang Noongar woman na isinilang sa timog-kanlurang bahagi ng Western Australia. Bilang goalkeeper, siya ang pinakamatagal na naglingkod sa national women's soccer team ng Australia, ang Matildas.
Kinatawan ni Lydia ang Australia sa dalawang Olympics, limang World Cup, at anim na Asian Cup. Dahil sa kanyang karera sa isports, nakapaglibot siya sa iba’t ibang panig ng mundo.
“I think the team that I was put in with my teammates, everyone has a really diverse background but the one thing that we all agreed is that we wanted to leave the sport better than when we first arrived in it,” paliwanag ni Lydia.
Anong mga hamon ang hinarap ng mga Indigenous sportspeople o manlalaro?
Hindi naging madali ang paglalakbay patungo sa elite na isports. Ang mga isyu tulad ng pagkakakilanlan, representasyon, at pagkakapantay-pantay ay nakaapekto sa karanasan ng mga Katutubong atleta. Naalala ni Lydia ang laban para sa pantay na sahod at pagkilala sa women’s football.
“Throughout my career, we've had strikes where we wanted equal pay to the men. We've been able to show the Aboriginal flag at an Olympics. So I think the team has really been a united group to break barriers and really allow people to stand up for things that they believe in.”
Kinatawan ni Kyle Vander-Kuyp ang Australia sa mga hurdling event sa dalawang Olympics, ilang Commonwealth Games, at maraming world championship competitions.

Kyle Vander-Kuyp is competing in the hurdles at the Sydney 2000 Olympics.
Sa kanyang kabataan, naging daan ang isports para maipahayag ni Kyle ang kanyang sarili at maramdaman ang koneksyon sa isang grupo..
“Being adopted at five weeks of age, one of my first challenges was trying to work out, Mum and Dad, why am I different to you? And how come I've got a different skin colour? That was probably my first challenge, being adopted and working out that identity,” dagdag ni Kyle.
Habang hinahanap ni Kyle ang mas malalim na pag-unawa sa kanyang pagkakakilanlan, sinuportahan siya ng kanyang mga magulang at kaibigan. Sa pagsali niya sa Little Athletics , isang programang nagpapakilala sa mga bata sa iba’t ibang track and field events, nagsimula ang landas na nagdala sa kanya sa pagrepresenta ng Australia.
Sa kabila ng mga hamon, sina Kyle at Lydia, tulad ng maraming nauna sa kanila, ay ginawang inspirasyon ang kanilang pinagdaanan para magtagumpay, na nagpapakita na ang isports ay maaaring maging daan sa pag-angat at lakas ng loob.

Kyle Vander-Kuyp with his adoptive mother Patricia Vander-Kuyp and his birth mother Susan Dawson - Image supplied by Kyle Vander-Kuyp.
Paano pinag-uugnay ng isports ang kultura at pagkakakilanlan ng mga Indigenous Australians?
Para sa mga Katutubong atleta, ang isports ay higit pa sa paligsahan, ito ay paraan ng pagpapahayag ng kultura. Ang mga locker room na may mga watawat ng Aboriginal at Torres Strait Islander, at ang mga atleta na buong pagmamalaking ipinapakita ang kanilang pinagmulan sa laro, ay nagpapakita kung paano nagdudulot ang isports ng pakiramdam ng pagkakabilang.
Naalaala ni Kyle ang mga salita ng dakilang AFL player na si Maurice Rioli: “I do remember clearly around the early primary school years just looking up to people like Lionel Rose, Evonne Goolagong, and I was lucky enough to have an Aboriginal footy player come to my school, Maurice Rioli, and he shared his story as a footy player, but also shared his Aboriginal heritage. And he pulled me aside in the staff room and said, you know, Kyle, it's not a disadvantage to be Aboriginal, it's an advantage and you know, you've got to use it.”
Ipinapakita ng mga pahayag na ito kung gaano kalalim ang koneksyon ng isports sa pagkakakilanlan ng kultura, na nagbibigay ng pagkilala at pagmamalaki.
Pagkatapos noon, kinatawan ni Kyle ang Australia sa 1990 Commonwealth Games sa Auckland, New Zealand.
“I was lucky enough to be on that team with Cathy Freeman and we were both teenagers, so 16 year old Cathy and 18 year old Kyle, and I think that really was the first time you're aware of your identity and you're aware that I'm an Australian and I'm wearing green and gold, but geez I'm actually an Indigenous Australian as well, and you've got an opportunity to wear that green and gold and make history for yourself and your people.”
Anong pamana ang iniwan ng mga Indigenous athletes sa isports ng Australia?
Ang pamana ng mga Katutubong atleta ay matagal at malalim. Nagsilbing inspirasyon sila sa mga bata sa mga liblib na komunidad, lumaban para sa pagkakapantay-pantay sa sahod at representasyon, at ipinakita na maaaring ipagmalaki ang pagkakakilanlan at kultura kasabay ng pambansang kulay.
Binigyang-diin ni Lydia Williams ang kahalagahan na makita ng mga kabataan First Nations women ang mga role model sa football ngayon: “Now there are predominant First Nations women in football... kids can relate to them, that they’re their role models.”
Para kay Kyle, ang mga sandali ng pagkilala mula sa mga pamilya at komunidad, ang marinig na naging inspirasyon siya sa iba, ay nagpapatibay sa kapangyarihan ng isports na magbago ng buhay.
“You come back to try and have a normal life without being an elite athlete every day, but going out to remote communities, and aunties, grandmas, elders and kids said hey, we’ve seen you on the TV and you inspired us. It’s this sort of a moment where you realise sport is a powerful thing.”

Kyle Vander-Kuyp near Uluru – Image supplied by Kyle Vander-Kuyp.
Bakita mahalaga ang Indigenous sport sa national identity ng Australia?
Ang Indigenous Australian athletes ay hindi lamang kumakatawan sa personal na tagumpay. Sila ay sumasagisag ng katatagan, pagkakapantay-pantay, at pagmamalaki sa kultura. Ang kanilang presensya sa pandaigdigang entablado ay nag-iwan ng matibay na bakas sa kung paano tinitingnan ng Australia ang sarili, bilang isang bansa na pinatatatag ng First Nations peoples at ng kanilang mga tagumpay.
Mula sa simpleng paligsahan hanggang sa pandaigdigang kompetisyon, patuloy na binabago ng mga Katutubong atleta ang kultura ng isports, pinapatunayan na ang isports ay isa sa pinakamakapangyarihang paraan para sa pagkakaisa, pagkakakilanlan, at inspirasyon.
Para kay Lydia Williams, ang kanyang paglalakbay sa isports bilang kinatawan ng bansa at ng kanyang kultura ay naging mas magaan dahil sa suporta ng kanyang mga kasama sa koponan. Naging interesado sila sa kanyang buhay bilang isa
“For me, it's really important to represent my country along with my culture. When we wear the crest, it has the Australian flag and symbols on it, but more importantly, it's a team that's really rich in culture. In our change room, we have the Aboriginal and Torres Strait Islander flag. So it's a team that inspires a lot of inclusion and pride there. It's been really wonderful to represent both."
Mula sa pagiging international soccer star hanggang sa pagiging change-maker, hangarin ni Lydia Williams na patuloy na matuto at makapaghatid ng positibong pagbabago.
“I think it's really exciting now that there are predominant First Nations women in football, that young kids can relate to and can find them, that they're their role models,” pahayag ni Lydia.
Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o ideya at paksang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.