Ano ang dapat gawin kapag natangay ng rip current o malakas na agos ng tubig

Lifeguards are warning about the dangers of rip currents this summer.

Nagbabala ang mga lifeguard tungkol sa mga panganib ng rip current o malakas na agos ng tubig ngayong tag-init. Source: AAP / David Moir

Higit apat na milyong Australians ang hindi sinasadyang natatangay ng malakas na agos ng tubig o rip current. Narito ng dapat mong malaman.


Key Points
  • Higit isang dosena ang naitalang namatay dahil sa pagkalunod sa nagdaang pasko.
  • Umaabot sa higit 100 katao ang average na sinakluluhan kada araw sa buong Australia.
  • Ang bilang na rescues ay ang tinaguriang pinakamataas simula 2019.

Ayon sa Lifesaving Australia tinatayang nasa higit 20 ang nalulunod at namamatay kada taon sanhi ang malakas na agos ng tubig o rip current.

Sa pahayag ng NSW Surf Lifesaving Australia CEO Steven Pearce higit isang daan araw-araw ang average ng bilang ng kanilang sinasakluluhan habang nasa dagat, simula Disyembre 25, ito na ang pinakamataas na naitala simula taong 2019.

Ang rip current ay ang galaw ng tubig mula sa ilalim hanggang sa paghampas pabalik sa dalampasigan.

“A rip current is a current that’s caused by the tidal movements and the ocean floor geography. Essentially, it’s a current where the water moves in

and out between sandbanks and causes a strong drag away from the shore, out to sea, and then circles back around to the beach again, sabi ni Pearce.

Dagdag payo pa nito, dapat maging alerto sa mga palatandaan na ang lokasyon ay rip current. Kadalasan nakikitang ang buhangin at debris ng kahoy o kahit ano ay tinatangay palayo sa lugar lalo na sa mga beaches at ilog.

“It’s easily denotable if you get a little bit closer to it, you can see the sand and debris being washed and dragged out. When people come down [to the beach], you shouldn’t look for the spots that are dark and smooth. That is, in fact, a rip.”

Subalit ang tanong, ano ang gagawin kapag natangay ng malakas na agos?
  • Itaas ang braso o kamay para ipaalam sa lifeguard na namemeligro ang iyong buhay.
  • Habang naghihintay ng tulong, sikaping magpalutang-lutang sabay sa agus ng tubig at huwag subukang lumangoy laban sa agus nito.
  • Huwag magpunta sa beach o ilog ng mag-isa o walang kasama, para kung may problema agad itong makatawag sa Triple zero.
  • Karaniwang naglalagay ang lifeguards ng flags para sa mga lokasyon na ligtas na mag-swimming at ito ay sa pagitan ng red at yellow flags.
  • Sundin ang payo ng mga lifeguards sa lugar.

“This summer, we’ve already seen ... tragic drownings, and we’re really concerned that this may increase if people don’t heed the warning that it’s so important to swim at a patrolled location. If we can’t see you down at the beach, then we have no chance of saving you.”




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand