Key Points
- Ang melasma o pekas ay isang kondisyon sa balat na lumilitaw na kulay brown or grayish-brown, at karaniwang nakikita sa mukha. Madalas apektado ang mga kababaihan, mula sa ethnic groups na Asians, tulad ng mga Filipino, kabilang din ang African-Americans, Indians, Middle Eastern at may mga maitim na buhok. Maaari din itong mamana at epekto ng hormonal imbalance.
- Edlee Reyes halos isang dekadang nagtatrabaho sa Middle East, at kasalukuyang nagsisimula ang paglitaw ng pekas sa kanyang mukha.
- Marlou Colina isang nurse at Licensed Medical Aesthetic Specialist sa America na bumisita sa Sydney para magbigay kaalaman sa pag-aalaga sa mukha at balat.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.