Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Ano ang relasyon ng Pasipiko at Latin America?

Screenshot 2026-06-02 at 4.28.18 pm.png

U.S. Coast Guard crews offload bales of seized cocaine from a semi-submersible suspected smuggling vessel in the Eastern Pacific Ocean.

Ang ilegal na kalakalan ng droga, mga alyansang diplomatiko, at ideolohiya ng malayang kalakalan ay lalong nagpapalapit sa mga bansa sa Pasipiko at Latin America.


Published

Updated

By Tavishek Sharma, Tuipoloa Evan Charlton

Presented by Martin Tuano

Source: SBS



Share this with family and friends


Ang ilegal na kalakalan ng droga, mga alyansang diplomatiko, at ideolohiya ng malayang kalakalan ay lalong nagpapalapit sa mga bansa sa Pasipiko at Latin America.


Ang dami ng ilegal na droga na nasamsam ng mga lokal at pandaigdigang awtoridad sa pagpapatupad ng batas sa rehiyon ng Pasipiko ay umabot na sa hindi pa nararanasang antas.

Ito ay bunga ng matagal nang umuunlad na proseso sa maraming bansa sa Pasipiko, na mula sa pagiging mga rutang dinaraanan ng droga ay naging mga sentro ng distribusyon at kalaunan ay mga lokal na pamilihang kumikita.

Dahil sa krisis na ito, itinatag ang isang Special Investigation Unit na pinondohan ng Australia at New Zealand at nakabase sa Colombia.

Ngunit hindi lamang ang transnasyonal na krimen ang dahilan ng lumalawak na ugnayan sa pagitan ng mga bansang kasapi ng Pacific Islands Forum at ng Latin America.

The United States has made it very clear that they are expecting more from their allies... like Australia to step up in the region.
Anna Powles, Associate Professor in the Centre for Defence and Security Studies, Massey University

Dahil sa teritoryo nito sa Pasipiko na Rapa Nui, naging Dialogue Partner ang Chile sa Pacific Islands Forum noong 2021. Pagkalipas ng apat na taon, nag-host ito ng pulong ng mga Defense Minister sa South Pacific na dinaluhan ng Fiji, Papua New Guinea, at Tonga. Tinalakay dito ang mga isyu sa seguridad sa rehiyon at ang plano ng Chile na magdaos ng military exercise sa Rapa Nui.

Noong Marso 2026, sinabi ng Argentina na interesado rin itong maging Dialogue Partner ng forum. Ang kasalukuyang gobyerno nito ay naniniwala sa free trade at malapit sa Estados Unidos.

Ngunit dahil dumarami ang mga bansang interesadong makisali sa rehiyon kahit wala silang matagal na ugnayan dito, mas nagiging magulo ang sitwasyong diplomatiko. Nahihirapan ang mga bansa sa Pasipiko na pumili at balansehin ang interes ng mga malalaking bansa at ang sarili nilang mga plano.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now