Key Points
- Maraming Australian ang nahihilig sa DIY renovations o ang sariling pag-aayos at pagpapaganda ng bahay, pero mahalagang maintindihan muna ang mga panganib, batas, at mga panuntunan sa kaligtasan bago magsimula.
- Sa mga lumang bahay, karaniwan ang asbestos, lead-based paint (pinturang may tingga), at alikabok na maaaring makasama sa kalusugan kapag nagalaw o naistorbo.
- Ang plumbing at electrical works ay ayon sa batas dapat gawin lamang ng licensed professionals, at ang major renovations ay nangangailangan ng permit o pahintulot mula sa local council.
- Kung baguhan ka pa lang, mas mabuting magsimula sa maliliit na proyekto, sa gayun unti-unting matuto o ma-build ang skill, at maiging ayusin ang budget para maiwasan pagkakamali at paglubo ng gastos.
Marami sa mga Australian ang itinuturing ang bahay ay isang patuloy na proyekto. Mula sa simpleng pagpipinta ng isang silid hanggang sa paggawa ng bagong deck, patok sa Australia ang DIY o sariling renovation ng bahay.

Bago simulan kailangan maging prioridad ang kaligtasan. Ilan sa mapanganib ang Abestos, para masigurado ang kaligtasan gamitin ang checklist ng asbestosawareness.com.au . Mapanganib din ang lead-based paint.
Control the dust at the source as much you can and go get yourself a respirator or disposable mask.John Batty

It’s easy to imagine that DIY home renovations are going to be really cheap because you’re not paying someone else to do it, but things like materials, tool hire, delivery fees and waste disposal, all those things do add up.Geneva Vanderzeil

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa higit na mahahalagang impormasyon at mga tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o ideya para sa mga paksa? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.










