Bilang na ang mga oras para kina Bernadette Romulo at ang kanyang mga anak. Ang single mother na Pilipino at ang kanyang dalawang anak ay naatasan nang umalis ng bansa sa 11 July.
"The Assistant Minister only intervenes in a relatively small number of cases which present unique and exceptional circumstances," ayon sa pahayag ng Department of Home Affairs.
"People whose requests for intervention have been unsuccessful and who do not have other matters before the Department are expected to depart Australia."
"Child custody matters are beyond the scope of this Department and are addressed through the appropriate jurisdiction of family law."
Si Bernadette at ang kanyang dalawang anak ay nakatakdang mapaalis noong ika-walo ng Mayo subalit nabigyan sila ng bridging visa na magbibigay pahintulot na mamalagi sa bansa hanggang ika-14 ng Hunyo.
Ngunit ngayon na nakatakada nang mawalan ng bisa ang kanyang ikatlong bridging visa, si Ms Romulo ay muling nakakaharap sa pagkawalay sa kanyang walong taong gulang na anak na lalaki.
"It has been very stressful for us. My youngest son has been very clingy. He is unable to get a good night's sleep, often he wakes up, emotionally disturbed without any apparent reason," ibinahagi nya sa SBS Filipino.
"It’s difficult because I also have to deal with the children’s stress, my two girls are affected too…so it’s very difficult."
Simula nang maibalita ang kwento ni Ms Romulo sa SBS Filipino noong Abril, sa tulong ng malawakang coverage ng media, nakakuha siya ng malaking suporta mula sa publiko sa pamamagitan ng kanyang petisyon sa Change.org na nakakolekta ng halos 36,000 na pirma.
Ang ina na nakabase sa Brisbane ay dumating sa Australya 11 taon na ang nakakaraan, kasama ang kanyang dalawang anak at ang kanyang partner noon na may hawak na temorary working visa. Matapos maghiwalay ng magkapareha, nagkaroon siya ng anak, si Giro, sa sumunod niyang partner. Si Ms Romulo at ang ama ni Giro ay nagkahiwalay din, at siya ang naitalagang primary carer ng bata. Si Giro ay walong taong gulang na ngayon at isang mamamayang Australyano at hindi siya maaaring umalis ng Australia dahil sa mga legal na dahilan.
"I was advised that I won’t be able to come back for 3 years as I have been holding a bridging visa E for many years while waiting for the result of ministerial intervention application," nabanggit niya sa kanyang pinakabagong petisyon sa Change.org.
"It means, if we leave Australia, there’s no guarantee that I can see, kiss and hug my son for 3 years. I can’t let that happen."
Ang abugado ng pamilya, na si Angus Francis, na kumuha sa kaso nilang pro-bono , ay dating nagsabi sa SBS Filipino na ang pagpapaalis sa mag-iina ay magkakaroon ng malaking epekto sa batang lalaki, kung kaya’t nanawagan sila kay Ministro Peter Dutton na makialam sa kaso.

Bernadette Romulo and her children. Source: SBS News
“There are other cases that have been brought to the minister’s attention and the minister has intervened in the past and we’re calling on him again," sinabi ng abugado.
Sa isang press conference, ilang sandali matapos na ipagkaloob ang kanilang unang pagpapaliban sa desisyon kay Ms Romulo at ng kanyang mga anak na babae, sinabi ni Mr Dutton sa SBS News na hindi siya maaaring magkomento sa mga indibidwal na kaso ngunit sinabi rin ng Home Affairs Office na may “magandang dahilan” kung pipiliin man nitong makialam sa kaso o hindi. Dagdag pa nito, "I know there is a lot of emotion around many of these cases, sometimes it makes cheap TV.”
“So we have those tough decisions to make, but as I say we act compassionately in many, many cases that I sign off on each week.”
Sa ilalim ng Batas sa Migrasyon, ang Ministro ay maaari pa ring makialam sa anumang oras. Ang seksyon 4.2.8 ng mga alituntunin ng batas ay nagsasaad: "Strong compassionate circumstances such that failure to recognise them would result in irreparable harm and continuing hardship to an Australian family unit or an Australian citizen.”
Sinabi ni Ms Romulo na labis siyang nagpapasalamat sa tatlong pagpapaliban sa kanyang deportasyon na ipinagkaloob na sa kanya at nabigyan pa siya ng mas maraming oras na makasama ang kanyang anak. Ngunit hinihimok din niya ang kanyang mga tagasuporta na panatilihing manawagan sa Office ng Assistant Home Affairs Minister Alex Hawke na “ask him not to separate a mother from her young Australian-born son who deserves to have a mother like everyone else."

'It's hard living like this, but I am thankful for the extension." Source: C Macintosh
"If our Minister sticks to his decision, it’s going to break our hearts, all of us," sinabi niya sa SBS Filipino.
"I can’t really imagine that my youngest son will be separated from me. But I’m still hoping. I don’t wan’t to think that we are going home.... It’s really painful..and difficult.”
"There are times that I felt like giving up, that I am losing hope as this goes on. But at the end of the day, I am still hopeful that there will be a good outcome. I just need to remain strong."
BASAHIN DIN: