Key Points
- Ang pag-aaral ng first aid ay isang proactive na hakbang para maging epektibo sa pagtugon sa panahon ng emergency.
- Ang pagsasanay ng CPR ay isang pangunahing kurso sa first aid batay sa alituntunin na ibinigay ng peak body sa Australia.
- Ang mga opsyon sa pagsasanay na magagamit ay naiiba sat agal, format, katayuan ng akreditasyon at kurikulum na sakop sa mga espesyal na kurso.
Ayon sa 2017 Australian Red Cross na pag-aaral, nasa 5 porsyento ng mga Australians lamang ang may first aid training, ito ang isa sa pinakamababang rates sa buong mundo.
Iminungkahi ng mga tagapagtantya ng Royal Life Saving Society na karaniwan 20 Australyano ang namamatay dahil sa atake sa puso araw-araw.
At 60 porsyento dito ay nangangailangan ng first aid dahil nangyari ito sa kanilang bahay.

Sabi ni Buck Reed na higit dalawang dekada ng paramedic at kasalukuyang lecturer ng Paramedicine sa Western Sydney University.
Ang First aid training courses ay ang nagtuturo sa mga tao sa pangunahing kaalaman kung paano rumespondi sa panahon ng may emerhensiya at may mga sugatan.
Dagdag ni Reed layunin nito na maisalba ang buhay, bago pa man katingnan ng mga doktor.
Ang first aid training ay talagang sa pagbibigay ng paunang lunas, bago pa malapatan ng iksaktong gamot. Sa pagkakataong ito, kapag marami ang may alam ng first aid mas marami ang matutulungan.Buck Reed, Western Sydney University
"Sigurado ako kapag may malubha ang sakit o sugatan, dapat agad mabigyan nag lunas at mahalag ang bawat segundo bago pa man dumating ang mga paramedics."
Pagpili ng training provider
Tinuturo din sa first aid training kung paano magsagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR at kung paano gumamit ng defibrillator.
Ang CPR at paggamit ng defibrillator ay pinakamahalaga para maisalba ang buhay ng mga inaatake sa puso.

Pero sabi ni Reed dapat ang CPR training ay alinsunod sa Australian Resuscitation Council o ARC.
Ang ARC ang kumokontrol sa pinakamahusay na kasanayan sa first aid.Binubuo ito ng humigit-kumulang 20 miyembrong organisasyon, kabilang ang mga institusyon tulad ng College of Emergency Medicine , Council of Ambulance Authority at Royal Life Saving.
Sabi ni Dr Finlay MacNeil isang surgeon at convener ng First Aid Sub-Committee para sa parehong Australian at New Zealand Resuscitation Councils.
Pero inamin nito marami ang organisasyon ang nag-aalok ng first aid training.

Bilang bahagi ng St John’s Ambulance, sabi nito maraming orgnisasyon ang nag-aalok ng first aid training tulad ng Red Cross , Surf Life Saving, at ang Royal Life Saving
Ang mga kurso ay makukuha rin ng mga awtoridad ng ambulansya sa ilang estado at teritoryo at ng mga pribadong provider“Alin mang private provider na nagbibigay ng training sa first aid na may RTO (Registered Training Organisation ito ay valid valid na organisasyon at dito ka maaaring magsanay," paliwanag ni McNeil.
Paano pumili ng tamang kurso
Habang ang ilang pagtuturo ng first aid ay dinadaan sa pagtuturo ng personal, ngayon may online modules na.

Ayon kay Deb Lowe mula First Aid Regional Area Lead para saThe Red Cross in Brisbane, ang paraan ng pagtuturong ito ay makakatulong para sa ibat ibang pangangailangan ng pag-aaral.
“Nagagawa mo ito sa iyong sariling oras at panahon, at maari mo pang balikan at basahing muli ang mga impormasyon.
“May mga ginagawang paglalagay ng caption para maintindihan, dahil may translation sa ibat-ibang lengwahe."
Maaari din ang mga magulang at carers ay sumailalim sa espesyla na pagsasanay sa first aid para mga sanggol at bata.
Narito ang mga kurso:
- First aid at CPR para sa mga bata/sanggol,
- kaligtasan sa loob ng bahay, pinapababa ang risks, at
- rtumugon sa mga medikal na sitwasyon , kabilang ang nabulunan, hika, allegies at bleeding og pagdurugo.
"Ang buong ideya sa likod ng kursong ito ay nagbibigay sa amin ng mga tool upang maging ligtas at kumpiyansa sa mga desisyon na gagawin namin at malaman na may iba pang mga mapagkukunan para sa tulong kung kailangan nila, tulad ng isang Nurse on Call, ”paliwanag ni Lowe.
Paunawa ni Dr McNeil na dito sa Australia, ang kwalipikasyon sa first aid ay dapat na-i-renew sa loob ng tatlong taon at ang refresher na pagsasanay sa CPR ay inirerekomenda taun-taon.
Ang iyong kaalaman pag-perform ng CDR ay nakakalimutan sa paglipas ng panahon, lalo na kapag hindi mo ginagawa araw-araw.Dr Finlay MacNeil, surgeon, convener of First Aid Sub-Committee- Australian at New Zealand Resuscitation Councils.
Iba-iba ang tagal ng mga kurso sa first aid. Ang ilan ay tumatakbo nang ilang oras hanggang ilang araw. Ang ilan ay kinikilala ng bansa, ang iba ay hindi.
Ipinaliwanag ni Mr Reed na ang akreditasyon ay mahalaga upang matiyak na ang kurso ay angkop para sa mga layunin sa lugar ng trabaho.“Nangangahulugan iyon na nagtuturo sila sa isang tiyak na pamantayan na nakabalangkas para sa anumang kursong iyon... Kaya, kung ginagawa mo ito para sa isang kinakailangan sa trabaho, mahalagang piliin ang kursong first aid na tama para sa lugar ng trabahong iyon, o para sa pangangailangang iyon. .”Kung hindi naman kailangan ng course certificate nariyan naman ang mga non-profit community, organisations at mga ambulance services na nag-aalok ng libreng first-aid training sa buong taon.
Iminungkahi din ni Reed na maghanap ng ibang opsyon.
Karagdagang impormasyon at resources
- Para sa mga health advice at first aid information, kabilang ang resources at kung saan pwede makapag-training ng first aid bisitahin ang healthdirect.gov.au
- Ang Australian Red Cross ay may a free app na may first aid at CPR instructions
- St John Ambulance ay nagbibigay ng downloadable step-by-step guides para sa pangunahing first aid para sa pagtugon sa emerhensya at ito ay nakasalin sa wikang Arabic, Traditional Chinese, Greek, Italian a Vietnamese.
- Bisitahin ang Raising Children Network para sa first aid n impormasyon para sa mga babies, toddlers, pre-schoolers at school-age children.
Sa isang emergency, tumawag ng triple zero (000) at humingi ng ambulansya. Tutulungan ka ng taong nasa linya na magbigay ng pangunang lunas.





