Mga simpleng gabay para maging ligtas at masaya ang pagka-camping sa Australia

GettyImages-599752459.jpg

Camping under the stars in the Australian outback.

Ang camping ay isang masayang paraan para ma-enjoy ang kalikasan ng Australia at makapagpahinga mula sa araw-araw na gawain. Tatalakayin dito ang mga benepisyo, paghahanda, at tamang pag-camping.


Key Points
  • Ang paghahanda sa isang camping trip ay nangangahulugang pagre-research sa lugar, lagay ng panahon, kondisyon ng paligid, mga puwedeng gawin, at mga kagamitang kakailanganin.
  • Maraming klase ng camping equipment na puwedeng pagpilian, mula sa mga pangunahing gamit hanggang sa mga dagdag na gamit para mas maging komportable at madali ang camping.
  • Ang pagiging responsableng camper ay nangangahulugang dalhin pauwi ang sariling basura at maging maingat sa ingay at epekto sa ibang campers sa paligid.
    Mula sa baybayin hanggang sa outback, napakaraming puwedeng tuklasin sa Australia, at ang camping ay isang madali at abot-kayang paraan para maranasan ang ganda at katahimikan ng kalikasan.

    “We're very lucky in Australia to be blessed with some amazing natural landscapes, and most of them are relatively accessible from our major city centres,” pagbahagi ng hiker at photographer na si Mark Pybus.

    Jon Burrell camping with his family - image credit Jon Burrell.jpg
    Jon Burrell camping with his family.
    Mark Pybus runs the Life of Py hiking website - credit Donovan de Souza.JPG
    There’s a wide range of camping gear you could consider taking, including a tent, bedding, table and chairs, cooking utensils, and food. Credit: Donovan de Souza

    Ano ang mga camping equipment na kailangang dalhin:

    • Isaalang-alang ang iba’t ibang camping gear tulad ng tent, higaan, mesa at upuan, mga gamit sa pagluluto, at pagkain.
    • Kabilang sa mga pinakaimportanteng gamit ang tubig, tent, sleeping bag, kutson o banig, at flashlight.
    • Magdala rin ng dagdag na gamit para sa iyong 'comfort'. Ayon kay Mark, “Kung magmamaneho ka papunta sa campsite, kadalasan ay marami kang espasyo sa sasakyan, kaya magdala ng dagdag na kumot at sarili mong unan mula sa bahay.
    • Kung may sapat na espasyo, magandang magdala ng de-kalidad na air mattress o swag.
    • Huwag kalimutang mag-impake ng insect repellent, sunscreen, first aid kit, at iba pang gamit depende sa aktibidad tulad ng pangingisda, damit-panligo, sports gear, o mga laro.
    • Ang modernong camping gear ngayon ay may maraming opsyon para sa ginhawa at teknolohiya, na kadalasang nakadepende sa espasyo at budget.
    • Pag-isipan kung kailangan mo ng mas matibay na kagamitan o mas magaan at abot-kayang opsyon.
    • I-set up at subukan muna ang mga gamit sa bahay bago umalis para maiwasan ang aberya.
    • Pumili ng campsite nang maingat—siguraduhing patag ang lupa, walang panganib ng pagbaha, malayo sa kalsada, at iwas sa mga posibleng panganib tulad ng nakalaylay na sanga.
    Queensland national park ranger Erin Atkinson – image Queensland Parks and Wildlife Service.jpg
    Queensland national park ranger Erin Atkinson.
    Camping in Australia - Image Mark Direen -  Pexels.jpg
    Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon para sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.   

    May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au 

    📢 Where to Catch SBS Filipino


    🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

    📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

    📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


    Share
    Follow SBS Filipino

    Download our apps
    SBS Audio
    SBS On Demand

    Listen to our podcasts
    Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
    Understand the quirky habits of Aussie life.
    Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

    Watch on SBS
    SBS News in Filipino

    SBS News in Filipino

    Watch it onDemand