‘For the love of lavender’: Mag-asawa mula Sydney iniwan ang accountancy para magsaka

Harvest

The couple and new farmers Marianne and Jr Villanueva see themselves retiring at their lavender farm in regional NSW. Credit: Mist In Island Photography

Mula sa aktibo at abalang buhay sa siyudad ng Sydney, nagpasya ang parehong accountant at mag-asawang sina Marianne at JR Villanueva na lumipat sa tahimik at mas relaxed na buhay sa regional area sa New South Wales kasabay ng kanilang pagsisimula ng bagong buhay bilang mga magsasaka.


Key Points
  • Kasama ang pagnenegosyo sa mga oportunidad na pwedeng makita sa mga rehiyonal na lugar ng Australia.
  • Iniwan ng mag-asawang Marianne at Jr Villanueva ang buhay sa Sydney para simulan ang kanilang lavender farm sa regional NSW.
  • Sa buong Australia, mahigit 500 lamang ang nagsasaka ng lavender sa kabila ng malaking demand sa lavender oil.

‘Honeymoon inspired: Mula France hanggang sa Broke NSW'

Itinuturing ng mag-asawang Marianne at JR Villanueva mula New South Wales na isang COVID-project ang kanilang kakasimulang negosyo.

“Nagsimula kaming magtanim dito sa farm noong 2020 sa kasagsagan ng Covid," kwento ni Marianne.

“Nakuha namin ‘yung idea sa aming travel sa France, during our honeymoon. Nakita namin ‘yung fields of lavender sa regional Provence area.”
Hunter Lavender Farm_honeymoon Provence.jpeg
Couple Marianne and Jr were inspired by a lavender field they saw during their honeymoon in Provence, France almost 10 years ago to set up their own farm. Credit: Hunter Lavender Farm
Bago mag-pandemya, naghahanap na ng mabibiling property ang mag-asawang Villanueva. Una nilang nakita ang isang 2-bedroom unit sa Sydney, pero sa isa sa kanilang pamamasyal sa Hunter Valley, isa sa mga paborito nilang lugar sa NSW, isang ibinebentang property ang pumakaw ng atensyon ng dalawa.

Kapresyo ng 2-bedroom apartment na una nilang nakita sa Sydney.

Taong 2019 nang bilhin nila ang farm sa maliit na suburb ng Broke, mahigit dalawang oras ang layo sa sentro ng Sydney.

Sa pinaka-huling datos ng Australian Bureau of Statistics, 557 katao o 160 na pamilya lamang ang nakatira sa Broke. Kabilang na dito ang pamilya Villanueva mula nang manirahan sila sa kanilang farm property sa gitna ng pandemya.

Inspirasyon sa paglipat

“The most important is to have that desire to move to the countryside and change your lifestyle.”

Dagdag ni Gng Villanueva na malaking bagay ang kagustuhan nila na matahimik na pamumuhay.

"Financially you have to be ready to invest money to buy a property in the regional area.

"If you’re thinking of doing a farm business, you also have to save up for your capital as the first two to three years are all about setting up your business until it’s become sustainable.”
Harvest
The couple, who were childhood classmates from Zambales, Philippines, worked hard to set up their lavender farm on their own. Credit: Mist In Island Photography
Inamin ni Marianne na hindi madali ang kanilang paglipat mula siyudad patungo sa rehiyonal NSW.

Bago nila nabili ang lupa sa Broke, si Marianne ay isang Chief Financial Officer (CFO) sa isang multinational pharmaceutical company sa Sydney, habang si Jr naman ay isang Financial Analyst.

Naging nakakapagod ang unang dalawang taon mula nang makuha nila ang kanilang property. Lunes hanggang Biyernes nagtatrabaho sila sa Sydney at sa weekend nasa farm sila.

Malaking pagbabago din na malayo sila sa kanilang mga kaibigan at mga kalaro ng kanilang dalawang anak.

“Sa lifestyle, dahil malayo ka sa mga kaibigan at kakilala, medyo secluded ka, pero okay naman na tahimik ang buhay dito sa farm,” bigay-linaw ni Marianne.

Para kina Marianne at JR, nakikinita nila ang kanilang pagreretiro sa kanilang lavender farm.

Sa katunayan, nagbitiw na si Marianne sa kanyang higit 18-taon na karera sa corporate finance at itinuturing na maagang pagreretiro para tutukan ang kanilang negosyo.

Tanging bulaklak sa gitna ng mga ubasan

Sa kasagsagan ng pandemya sinimulan nila Marianne at Jr ang pagtatayo ng kanilang maliit na negosyo.

“Dito kami kinasal sa Hunter Valley so n'ung nag-iisip kami ng itatanim, naisip namin bakit hindi namin subukan ang lavender kasi mostly lahat dito ay growing grapes at wineries.”

“Just to bring something different sa Hunter Valley, naisip namin na magtayo ng Lavender farm dito.

Nag-iisa lamang ang kanilang bukid sa Broke Fordwich area sa Hunter region.

Ang Hunter Valley ay isa sa mga kilalang wine destination sa buong Australia at anumang oras ay puwede kang bumisita sa mga winery na ito.

'Di tulad ng mga ubasan, ang farm nila Marianne at Jr ay seasonal lamang kung magbukas sa publiko.

Tuwing tag-init lamang, Disyembre hanggang Enero, namumulaklak ang mga lavender bago nila anihin ang mga ito at gawing langis na kanilang ibibenta na essential oil o panghalo sa ibang produkto.
Hunter Lavender Farm_visits.jpeg
The Villanuevas' lavender farm in Broke NSW officially opened on December 17 last year, offering farm visit and experience, dried-flower making and other workshops. Credit: Hunter Lavender Farm

‘Labour of love’

Hindi naging madali ang pagsisimula ng farming business ng mga Villanueva.

Bagaman parehong tubong-Zambales sa Pilipinas na isa sa mga agrikultural na bayan sa Luzon, wala namang karanasan sa pagsasaka ang mag-asawa, lalo na sa pagtatanim ng lavender.

“Nag-research kami about lavender. Nag-join kami sa The Australian Lavender Growers Association. Nag-attend kami ng courses on how to grow lavender.

“Bukod dun, may mga pinagdaanan din kaming mga baha noong nagdaang March at July. Nalubog ‘yung mga tanim namin.”

At kahit na seasonal ang pamumulaklak ng lavender, tuluy-tuloy anila at walang tigil ang trabaho sa pag-aalaga ng mga tanim sa buong taon.

“It’s continuous maintenance. We check their health. We have to know if we need to irrigate, apply nutrients, and check their pH. We also need to prune twice a year, one after harvest and the other in winter.”
Hunter Lavender Farm_markets.jpeg
From planting to harvest to their small distillery, to oil bottling, marketing and selling, the couple are hands-on with their business. Credit: Hunter Lavender Farm
Hamon din para sa bagong lavender growers sa rehiyon ang paghahanap ng makakatulong sa kanilang farm.

“Dito walang gustong tumulong sa amin lalo na nung umpisa. Karamihan kasi talaga dito grapes ang mga tanim, halos wala talagang may alam dito ng pagsasaka ng lavender.

Magkatuwang na pinag-trabahuan ng mag-asawang Villanueva ang kanilang farm at itinuturing ito na 'labour of love' ito.

“Kami talaga ang nag-set up ng buong farm, sa pagbubungkal ng lupa hanggang sa isa-isang pagtatanim ng bawat halaman.”

Paglago

Sa buong Australia, higit 500 lamang ang nagsasaka ng lavender sa bansa base sa bilang ng mga myembro ng The Australian Lavender Growers Association (TALGA), ang samahan ng mga lavender farmer sa Australia, kasama na dito sina Marianne at Jr.

Baguhan man sa lavender farming business, hangad ng mag-asawa na mapalago at madagdagan ang mga tanim lalo pa nga’t malaki ang demand para sa Australian lavender oil.

Taon-taon nasa 50-tonelada ng Australian lavender oil ang kailangan. Sa buong mundo, noong 2020 umabot sa $54-million US dollar ang kabuuang lavender oil market.

Sa ngayon nasa 10,000 na halamang lavender ang tanim ng mga Villanueva.

“Ang goal namin mapuno ‘yung field ng hanggang doon sa ikatlong field na nakaplano. Nasa 15,000 to 20,000 lavender plants in total. In two to three years hopefull we have completed planting them.”
Hunter Lavender Farm_essential oil.jpeg
Turning lavender flowers into essential oils. Credit: Hunter Lavender Farm
Nakaplano din ang pagtatanim ng ibang pananim at mga produkto.

“Plano rin namin mag-set-up ng citrus orchard at vegetable farm. Gusto namin na magkaroon ng farm-experience ang mga bibisita sa amin.

“Apart from the beekeeping and farm experiences that we currently offer, we’ll also have a permaculture garden.

“It will be an educational garden that we’ll be able to show our clients how the plants and animals particularly chickens, help in developing the health of the soil.”

Nitong nagdaang Disyembre 2022, bago mag-edad 40 si Marianne, opisyal na binuksan ng mag-asawang Villanueva ang kanilang Hunter Lavender Farm sa publiko.

Nagkaroon ng natatanging lavender farm experience ang mga bumisita sa kanila.
Hunter Lavender Farm_beekeeping.jpeg
The Villanueva's also have their beekeeping and visitors to the farm can try the honey-harvest experience. Credit: Hunter Lavender Farm
Umaasa din ang mag-asawa na maisakatuparan ang kanilang long-term na plano.

“We look towards our mid and long-term plans. We aspire to put a café and a farm shop and hopefully, on the next lavender season or the following, we have already built them.”

Para sa mga tulad nila na gustong subukin na nanirahan sa isang rehiyonal na lugar at nag-iisip na magnegosyo, anila, dapat maging handa sa mga pagbabago, mag-ipon at laging tandaan at balik-balikan ang pinaka-dahilan ng inyong ginagawa at tinahak na landas.
 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand