Grupo ng mga Pinoy sa Australia, nagsama-sama para mag-abot ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng mudslide sa Ifugao

PIFUGAO 1.jpg

PhilCor-NSW performs at the Filipino Multicultural Fiesta 2022 at Randwick (September 4, 2022)

Idinaan sa pagtatanghal ng grupong PhilCor-NSW ang paglikom ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng mudslide sa Ifugao.


Key Points
  • Malaki ang naging pinsala ng landslide at pag-ulan kamakailan sa produksyon ng agrikultura sa Ifugao province at apektado dito ang mga magsasaka.
  • Nagkaisa ang mga Cordillerans sa New South Wales na tumulong sa mga kababayang naapektuhan ng mudslide.
  • Ginamit ng grupo ang kanilang talento upang makalikom ng pantulong na pinansyal.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Aabot sa 10 milyong piso ang halaga ng napinsala sa sektor ng arikultura sa ilang bayan sa Ifugao matapos makanaras ng mga pag-ulan at landslide kamakailan.

Sa panayam ng SBS Filipino kay Frankie Cortez, ang tagapagsalita ng Tanggapan ng Tanggulang Sibil ng Cordillera sa Pilipinas, sampung barangay ang apektado ng naging mudslide.
Mudslides in Pugo, Amganad, Banaue, Ifugao (8th of July 2022).jpg
Troops from 2nd Ifugao PMFC are currently conducting clearing operations to different parts of Banaue, Ifugao. Credit: Dos Ifugao PMFC

"Ayon sa Department of Agriculture, yung ating production loss na tinitingnan in value Philippine peso pagdating sa rice ay mayroon tayong maihigt kumulang na 3.3 million, sa high value crops naman 5.3 million kaya nakikita natin na agriculture sector yung mostly affected, yung ating magsasaka na umabot sa 700 plus," saad ni Cortez.
FRANKI CORTEZ.jpg
Frankie Cortez, Philippine Office of the Civil Defense Cordillera Spokesperson
Nagbunsod anya ito ng pagdedeklara ng state of calamity sa bayan ng Banaue.

Dahil dito, nagkaisa ang mga Cordillerans sa New South Wales na makalikom ng donasyon para sa mga naapektuhan ng mudslide. Sa pamamagitan ng Philippine Cordilleran community sa Australia o PhilCor, ay napaabutan ng tulong ang mga magsasaka na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pagguho ng lupa na dulot na malakas na ulan.

Kwento ni Gloria Tiongan, bagong presidente ng PhilCor NSW, na ginamit nila ang talento ng kanilang mga miyembro para makalikom ng pantulong pinansyal.

"The Philippine Cordillerans in New South Wales, we start doing fundraising through our dances.”
GLORIA.jpg
PhilCor - NSW President Gloria Tiongan
Karamihan sa myembro ng PhilCor ay galing sa pamilya ng mga magsasaka.

Kaya ang mga katutubong sayaw na kanilang ipinanamalas sa mga paligsahan ay nagpapakita ng kwento ng pasasalamat sa masaganang ani at pamumuhay ng mg taga Cordillera.

"Farming is one of the best professions or trades you continue even though if you have money if there are no farmers there will be no food to be produced. It's important to boost our farmers now," lahad ni Gloria.

Ang kanilang tulong ay naipaabot sa mga nasalanta sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Ifugao.
ifguao.jpg
Ifugao farmers received aid from PhilCor-NSW.
Maliban sa mga magsasaka ay nauna nang napaabutan ng tulong ang iba pang nasalanta ng nasabing mudslide sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalan, Office of the Civil Defense, at ang Department of Social Welfare and Development sa Pilipinas.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Grupo ng mga Pinoy sa Australia, nagsama-sama para mag-abot ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng mudslide sa Ifugao | SBS Filipino