Hindi na kataka-taka kung bakit pinag-iisa ng FIFA World Cup ang mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Pero ang football ay hindi lang para sa mga propesyonal, bukas ito sa lahat. Kung gusto mo ring subukan ang sport na ito sa Australia, narito kung paano magsimula.
Key Points
- Pinag-uugnay ng football ang mga tao anuman ang kanilang pinagmulan, kasarian, edad, o kakayahan.
- Ang walking football at futsal ay kabilang sa mga larong pinakamabilis na umuunlad sa Australia.
- Matatagpuan ang inyong lokal na club sa Play Football, ang digital na tahanan ng community football ng Football Australia.
Ang football ay isang sport para sa lahat, na nagbubuklod sa 1.9 milyong kalahok sa buong Australia.

Ang Football Australia ang may lahat ng kinakailangang mapagkukunan at suporta para sa inyo.
Sa kanilang website, matatagpuan ang Play Football platform, ang opisyal na online na sentro ng Football Australia para sa community football.

Ang football ay para sa lahat. May mga programa para sa iba’t ibang edad, kabilang ang mga First Nations player, mga taong may iba’t ibang kakayahan, at mga komunidad na may ibat'-ibang kultura at wika.
Sa website ng Football Australia, makikita ninyo ang MiniRoos Settlement Program at Multicultural Youth Program, mga libreng inisyatiba na naglalayong bigyang pagkakataon ang mas maraming tao na makilahok sa football.
“Both of these programs are intended to basically provide a good front door for football so that people can come and do an introductory football program and get engaged with the game, but also get linked in with a club and hopefully sign up to become a member of one of our 600 plus clubs—because our clubs are communities.”
We see programs like this as being an excellent way of helping people bridge the gap between their cultural communities and their football communities.Aaron Dibdin
Maari ding makipag-ugnayan sa SSI Multicultural Sports Club.
People find that they might try some tricks or fun things that they might not otherwise try in a winter game. It feels like lower stakes and more fun.Aaron Dibdin

Nais ba ninyong subukan ang isa sa pinakamabilis lumalagong indoor sports sa mundo? Ang futsal ay isang mas maliit na anyo ng football na mabilis ang galaw, at kasanayan. Marami sa mahuhusay na manlalaro ang nahasa sa larong ito.
Kung mas gusto ninyo ang mas banayad na uri ng aktibidad, maaaring subukan ang walking football, na ayon kay mga eksperto ay patuloy ring dumadami ang mga kalahok.
“It's been such a hit with older Australians, particularly in our diverse communities, and to get involved it's obviously registering through our clubs.”
Don't let walking football fool you because it's a total sweat fest and a great mood booster.Ahmad Gheisari Nia
Walang pisikalan o pagtakbo na pinapayagan sa larong ito, kaya ang walking football ay isang ligtas at mababang-epektong uri ng palakasan na angkop para sa mga taong may ilang kondisyon sa kalusugan o sa mga nais muling magkaroon ng kumpiyansa sa paglalaro. Higit sa lahat, bukas ito para sa lahat, may mga walking football session na maaaring salihan ng mga tao mula sa iba’t ibang edad at antas ng kakayahan
“At first I thought I'm just going to try it but after the first time that I went there, I found it so fantastic. The people… I never had that experience. Walking football is really enjoyable for ages like me. I'm 73 actually," ayon kay Ahmad Gheisari.

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba, paksa o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





