Key Points
- Nararanasan ang hay fever o seasonal allergic rhinitis kapag nagre-react ang immune system sa pollen, lalo na mula sa damo, na nakaka-irita sa ilong at mata.
- Maaaring ma-trigger ang asthma o hika kapag nakapasok sa baga ang maliliit na piraso ng pollen, na nagdudulot ng ubo, hingal, at hirap sa paghinga.
- Isa sa bawat apat na Australians ang may hay fever, at nasa 10% naman ang may asthma kaya’t ito ang pinaka-karaniwang uri ng allergy sa bansa.
- Makakatulong ang mga GP at pharmacist sa pagbibigay ng payo at gamot para maibsan at maiwasan ang mga sintomas.
- Ano ang seasonal allergies?
- Ano ang mga karaniwang sintomas ng hay fever and asthma?
- Paano i-kontrol ang epekto ng seasonal allergies?
- Ano ang immunotherapy?
- Ano ang medical treatment na pwedeng magamit para sa hay fever and asthma?
- Ang weather events ba ay makakaapekto sa allergies?
- Paano i-prepare ang management plan laban sa seasonal allergies?
Matapos ang malamig at maulang winter sa katimugang bahagi ng Australia, magsisimula na ang tagsibol o spring na may dalang mas mainit at maaliwalas na kalangitan kaya naman ito ang panahon na namumukadkad ang mga halaman kasabay nito ang pagdami ng pollen sa hangin.
At kung nakakaramdam ka na ng pangangati o itchy eyes, runny nose o madalas na pagbahing, posibleng ito ay hay fever o seasonal allergic rhinitis.
Kapag ang pollen naman ay umabot sa mga baga, maaari itong magdulot ng allergy-induced asthma.
Dahil dito ipinaliwanag ni Adjunct Associate Professor Joy Lee, isang espesyalista sa respiratoryo at allergy, at Co-Chair ng Respiratory Allergy Stream sa National Allergy Centre of Excellence.
“Grass pollen is a major cause of allergic rhinitis, also known as hay fever, and seasonal allergic asthma. Together, these are known as respiratory allergies. About a quarter of the Australian population are affected by hay fever and about 10 per cent by asthma. The two conditions often coexist, so if you have one, you have a higher risk of having the other.”
Ang pollen mula sa ryegrass ay isa sa mga pangunahing sanhi ng allergic rhinitis o hay fever sa Australia, lalo na sa mga lugar sa timog-silangang bahagi ng estado ng Victoria, New South Wales, at Australian Capital Territory o ACT.
Sa Victoria, NSW, at ACT, ryegrass ang isa sa dahilan ng hay fever. Nagsisimula ang pollen season sa Setyembre at tumitindi sa Nobyembre.
“In other parts of Australia, like Queensland for example, there may be more tropical grasses and they may have later pollen seasons through summer to February and March,” dagdag ni Professor Lee.

Dr Duncan Mackinnon, Micaela Diaz, Professor Joy Lee.

A mother and son are sitting together in a living room. She is helping him take his puffer because he suffers from asthma. Credit: FatCamera/Getty Images
- AusPollen – The Australian Pollen Allergen Partnership
- Pollen Forecast – Australian Aeroallergen Network
- Melbourne Pollen Count
- Sydney Pollen Count
- Darwin Pollen Count
- Perth Pollen Count
- National Allergy Centre of Excellence
- Asthma Australia
- Allergy & Anaphylaxis Australia
- Australasian Society of Clinical Immunology and Allergy
Ang impormasyon sa episode na ito ay pangkalahatan lamang at hindi kapalit ng payo medikal. Kung nag-aalala ka tungkol sa hay fever, hika, o allergy, mas mabuting kumonsulta sa doktor o parmasyutiko para sa tamang payo na bagay sa iyong kalagayan. Sa emergency, tumawag agad sa 000.
Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o paksang nais pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.