Ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Sydney matapos na manirahan dito kasama ang kanyang pamilya noong siya'y dalawang taong pa lamang, si Mig Ayesa ay madalas na bumibiyahe na paglilibot sa iba't ibang bahagi ng mundo sa mga pagtatanghal sa mga palabas inaawit ang sikat na kanta ng ilan sa mga pinakamamalaking pangalan sa industriya ng musika.
Kabilang sa ilan sa kanyang mga pagtatanghal ang isang pang-internasyonal na paglilibot sa kanyang pagganap bilang Galileo Figaro sa smash hit musical ng Queen na 'We Will Rock You' noong 2005 at 2007 at noong 2013 para sa ika-10 anibersaryo ng palabas na World Arena Tour, matagumpay na nakumpleto ang mga palabas sa Denmark, Finland, UK, Ireland, Luxembourg, Netherlands, Croatia, Czech Republic, Bulgaria at Turkey. Dinala din niya ang Queen Symphonic Spectacular sa Australia kasama ang mga sold out na mga konsyerto sa Sydney Opera House.

Mig Ayesa at the 'Thriller Live' opening night in Melbourne in January 2015 Source: Mig-Music.com
Noong 2011, ginawa din ni MiG ang 'Thriller Live' sa West End ng London, isang palabas na nagbibigay parangal sa maalamat na live performances ni Michael Jackson at ang kanyang 45-taong kasaysayan sa musika. Ang palabas ay ginawa din sa Australia, New Zealand at Malaysia noong 2014.
At pinakabago, noong 2018, sa world premiere production ng 'All Out of Love" ng Air Supply, kung saan nagmula si MiG sa pagganap kay Jamie Crimson.
Lumipat si MiG mula Sydney patungong London noong 2001 upang higit na matupad ang kanyang pangarap na maging isang recording artist. Taong 2002, lumitaw siya sa Rent ni Jonathan Larson sa West End ng London noong 2002 sa papel ni Angel.

MiG Ayesa (in red jacket) sharing the stage with rock duo Air Supply and Filipina singer Rachel Alejandro in the 'All Out of Love" opening gala in Manila Source: All Out of Love Musical via Facebook
Kapag wala siyang palabas, marahil siya ay abala sa pagsulat ng kanyang sariling mga kanta. Kung hindi, siya ay nagli-litrato. Gayunpaman, tinitiyak niyang lumilipad siya pa-Sydney upang bisitahin ang mga kaibigan at lalo na ang kanyang pamilya.
Tunay na pinaninindigan ng mang-aawit/actor ang kanyang pangalan, MiG (sa baybay na may kapital na letrang G, na kinuha mula sa tagagawa ng sasakyang panghimpapawid na si Mikoyan Gurevich, ang gumagawa ng mga MiG jet), nililibot ang mundo sa pamamagitan ng musika.

Mig Ayesa Source: SBS Filipino
Ibinahagi ng Filipino-Australian performer kung paano niya pinapanatili ang kanyang mga paglalakbay at kung ano ang mga pagtatanghal niya pati na rin ang ilang mga aral sa buhay na kanyang natutunan mula sa kanyang tatlong dekada sa industriya ng musika.