Iba kasi talaga kapag nasa mismong paaralan ka, lalo na't may mga equipment na kailangang gamitin sa pananaliksik, paghahambing ng PhD Candidate in Physiotherapy tungkol sa pag-aaral sa bahay at sa mismong eskwelahan.
"Kapag nasa uni ka, may sistema na sa pag-aaral, 'yung mga katabi mo nag-aaral din, madali lang ding magamit 'yung mga robotics na ginagamit ko sa pagtulong sa mga participants sa research ko. Unlike 'pag sa bahay, comfortable, and'yan 'yun bed mo, may housemate ka na makikipag-kwentuhan syo," ani Esminio Rivera.
Mga highlight
- Binago ng pandemya ang pamamaraan ng pag-aaral ng maraming mga estudyante.
- Sa kasagsagan ng pandemya, mahigit kalahati ng 41 na unibersidad sa Australia ang lumipat sa remote learning.
- Mahirap man, kinailangang umangkop ng bawat mag-aaral sa mga pagbabago kasama na ang pagsunod sa mga payo para sa pag-iingat pangkalusugan tulad ng social distancing.
Kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kanyang pag-aaral si G. Rivera na nilalayon niyang makakatulong sa sa pagpapagaling ng mga pasyente ng stroke sa pamamagitan ng advanced neuro-rehabilitation technology, tulad ng multi-faceted robotics na kanyang sinasaliksik.
Pag-angkop sa 'new normal'
Hindi naging madali para kay Esminio Rivera II ang pagharap niya sa mga pagbabago na dala ng pandemya.
Dumanas siya ng matinding pagkabahala para sa kanyang pag-aaral at inabot ng ilang buwan bago siya nasanay na gawin ang kanyang pag-aaral at pananaliksik sa bahay imbes na sa kampus.
At sa pag-angkop sa bagong mga pamamaraan, natutunan niya na mahalaga na alam mo kung ano ang dapat mong unahin.
"Learn to prioritise things. Minsan nagmamadali tayo na gawin ang mga bagay-bagay, pero if you appreciate small improvements, you will realise that those are achievements already."
Sa gitna din ng pandemya, natutunang tanggapin ng 2nd year student na sa ating buhay may mga relasyon na hindi magtatagal at "hindi tayo dapat masyadong malungkot kung mawala man ang mga ito".

During the pandemic, Mr. Rivera misses the convenience of easily accessing research equipments available in university campus pre-pandemic. Source: Supplied
"There are relationships that are meant to be broken so you would be able to move forward."
Bagong taon, bagong pag-asa
Sa kabila ng mga hamon sa kalusugan at problema na kinaharap sa nagdaang taong 2020, pasalamat pa rin ang Physiotherapy graduate na mayroon pa ring mga biyaya na kanyang natanggap.
Nagawa niyang mai-convert ang kanyang scholarship, mula sa dating Master of Physiotherapy ay PhD in Physiotherapy na ito ngayon.
Umaasa siya na sa bagong taon at sa pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19, manunumbalik din ang lahat sa normal.
"Kapit lang. At habang kumakapit tayo kailangan din tayong sumunod sa mga payo ng mga health experts tulad ng pagsusuot ng face mask, while we all wait for the vaccines to arrive. In this way we'll be able to do our part in preventing the spread of the coronavirus", pagtatapos ni G. Rivera.
BASAHIN DIN / PAKINGGAN