Justice of the Peace o JP: Sino sila at saan mahahanap sa Australia?

Female legal advisor lawyer helping her client

JPs are authorised to act as a witness when you sign legal documents Source: Getty / ilkercelik

Sa isang punto, kakailanganin mo rin ang tulong ng Justice of the Peace o JP—maaaring para patunayan ang iyong pagkakakilanlan, magsumite ng insurance claim, o magpatibay ng legal na dokumento sa sarili mong wika. Mga sinanay na boluntaryo ang JPs na tumutulong sa komunidad upang mapanatili ang integridad ng ating legal na sistema.


Key Points
  • Itinalaga ang mga Justice of the Peace o JP para maging awtorisadong saksi kapag pipirma ka ng legal na dokumento o magpapakopya nito.
  • Pwede kang makahanap ng JP sa lugar mo na marunong magsalita ng wika mo.
  • Boluntaryo lang ang mga JP—kaya libre ang kanilang serbisyo.
Ang Justice of the Peace o JP ay maaasahan sa mahahalagang sandali ng iyong buhay. Sila ang pinagkakatiwalaang tumulong sa mga legal mong dokumento.

Ang mga JP ay iginagalang na miyembro ng komunidad na dumaan sa masusing proseso bago italaga ng mga gobyerno ng estado o teritoryo. May awtoridad silang magsilbing saksi kapag pipirma ka ng legal na papeles.

Hindi sila tumatanggap ng bayad. Boluntaryo silang nagsisilbi bilang paraan ng pagbabalik sa kanilang komunidad.
I think a strong sense of social justice, fairness and equality, they're all good traits that I think I possess and they're all good traits for a JP.
Dean Beck
Sa madaling sabi, tumutulong ang mga JP sa mga legal mong dokumento.

Kadalasan, kailangan ng pirma ng JP para masigurong tunay ang iyong lagda, totoo ang impormasyong ibinigay mo, at tama ang mga kopya ng iyong dokumento.
stamping a document
A JP can stamp your document to certify that it is a true and correct copy of your original document. Source: Getty / StockPlanets
Hindi awtorisado ang mga JP na mag-certify ng dokumentong hindi nila pamilyar.


Hindi rin sila maaaring sumaksi sa dokumentong nakasulat sa wikang hindi nila naiintindihan. Sa ganitong kaso, hihilingin nila na humanap ka ng JP na marunong sa wika mo.

Some choose to see me because they require a JP that speaks a particular language, like Cantonese in my situation, or simply because they are in the neighbourhood where I provide my service.
Alan Leung
May mga dokumento ring hindi saklaw ng JP at nangangailangan ng Notary Public—isang legal na propesyonal na may mas malalim na kaalaman sa batas.


Hindi tulad ng JP, ang Notary Public ay naniningil ng bayad para sa kanilang serbisyo.

Australia Explained – Justice of the Peace
You must sign a stat dec in the presence of an authorised witness such as a JP. Credit: MTStock Studio/Getty Images
Sa maraming lugar, makakahanap ka ng mga JP na naka-duty sa mga Document Signing Centre (DSC) o JP signing desk.

Karaniwan itong matatagpuan sa mga library, community centre, himpilan ng pulis, at korte. Hindi na kailangan ng appointment.
Male candidate signing the contract
You can search for a JP by location, availability, language and even name. Source: Getty / SrdjanPav
Madaling hanapin ang pinakamalapit na Document Signing Centre at ang kanilang oras ng operasyon, i-type lang ang ‘find a JP’ sa search.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

May tanong ka ba o may gusto kang topic na pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino 

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Justice of the Peace o JP: Sino sila at saan mahahanap sa Australia? | SBS Filipino