Kahit dito sa Australya ay tuloy-tuloy pa rin ang bayanihan ng ating mga kababayan, tulad ng Filomates Community sa Sydney na handang magbigay ng payo at tulong sa mga kapwa nila Pilipino. Ang grupong Filomates Community ay may Facebook page kung saan pwede ka makisali sa iba’t-ibang usapan tungkol sa pamumuhay dito sa Australya. At malay mo, pwede ka ring magkaroon ng mga bagong kaibigan. Pwede ka rin makisali sa iba’t-ibang aktibidad kasama ang iba pa nating mga kababayan.
Kailangan mo lamang malaman kung saan ka tunay na interesado at kung ano ang nababagay sa iyo- mapa-isports man, sining, panlipunan o sibiko. Ang pagsali sa mga grupo sa Facebook o online ay nakakatulong din upang makakuha ng mga sagot sa iba't-ibang katangunan sa pamumuhay dito sa Australya, katulad ng paghahanap ng trabaho at matitirhan.

Filomates Community Facebook Page Source: Filomates community Facebook Page
Kung naghahanap ka ng mga kababayan na may kaparehong pinagmulang wika, ilan sa maaari mong salihang grupo ay ang Bicolanos Incorporated, Cebuano Association of Australia, Global Ilocanos Australia, Pampaguenos, Tagalog Association of Australia at Visayan Association of Australia Inc.
At kung interesado ka na maging bahagi ng mas malaking komunidad, may mga malalaking lupon ng mga organisasyong Pilipino sa bawat estado sa Australya na kumakatawan sa mga interes at pangangailangan ng pamayanang Pilipino na nasa ilalim ng pangunahing organisasyon na Filipino Communities Council of Australia Inc (FILCCA).

BASAHIN DIN:

Filomates Community celebrates 5 years of friendships and sense of community (Supplied by G. Magno) Source: Supplied by G. Magno

Few of the Filomates members (Supplied by G. Magno) Source: Supplied by G. Magno

Find a group that interests you the most (Supplied by G. Magno) Source: Supplied by G. Magno