Key Points
- Higit sa dalawang-katlo o 69 % ng mga volunteer ay balik na kanilang pisikal na pagboboluntaryo sa mga organisasyon na kanilang tinutulungan.
- Lampas 5-milyong tao ang nagboboluntaryo sa Australia sa pamamagitan ng isang organisasyon taun-taon.
- Para sa mga volunteer gaya ni Hope Dolino at Ria Alcedo, dagdag sa karanasan at personal na kasiyahan ang ilan sa rason ng kanilang pagboboluntaryo.
Mula sa kanyang simpleng pagkamausisa kung paano ginagawa ng mga mas nakatatandang boluntaryo ang kanilang trabaho, ang dating internationa student na si Hope Dolino ay nag-volunteer sa maraming pagkakataon para sa iba’t ibang organisasyon sa estado ng Victoria.
RELATED CONTENT

'Hope' of all volunteering
Inilahad ni Mark Pearce, CEO ng Volunteering Australia, pangunahing lupon para sa pagbo-boluntaryo, na ipinapakita ng mga datos na halos tatlong-kapat (3/4) ng mga boluntaryo ang nagsabi na pangunahin sa kanilang motibasyon na magboluntaryo ay personal na kasiyahan, at ang pagnanais na gumawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang.
Mahalaga ani Pearce ang ginagampanang papel ng mga boluntaryo para lalong mapatatag ang kabuuan lipunan ng Australia lalo na sa gitna ng patuloy na kinakaharap na krisis sa pang-araw-araw na mga pangangailangan.
Si Ria Alcedo na taga-New South Wales ay nagsimulang maging boluntaryo nang siya ay nag-aaral. Kasama ng ilang mga kaklase at kaibigan sa unibersidad, tumutulong sila sa paghahanda ng pagkain para sa mga taong walang tirahan.
Ngayong National Volunteer Week (Mayo 15 – 21), kinikilala ang lahat ng boluntaryo sa Australia at ang kanilang naiaambag para lalong mapabuti ang kalagayan ng bawat komunidad.