Key Points
- Apat na araw ang Operation Amarok ng New South Wales Police kung saan timbog ang 592 na suspek sa kaso ng domestic violence.
- 139 sa mga naaresto ay mga pinaka-wanted at pinakadelikadong mga family violence offenders sa estado.
- Halos kalahati sa mga domestic violence order na inisyu ng New South Wales ay nilabag kaya naman kinukunsidera na ng estado ang mas matinding parusa na aabot sa limang taong pagkakakulong.
Kung ikaw o may kakilalang biktima ng domestic o family violence, tumawag sa 1800 RESPECT o 1800 737 732 o sa Lifeline 13 11 14.