Key Points
- Ang Order of Australia ay pagkilala para sa sinumang may pambihirang ambag sa komunidad.
- Para makatanggap nito, kailangang may mag-nominate.
- Lahat ng nominasyon ay dumadaan sa masusing proseso at maselang pagsusuri.
- At huwag mag-alala — kumpidensyal ang buong proseso.
Ang Order of Australia ay bahagi ng pambansang parangal ng bansa — ito ang pinakamataas na pagkilala para sa mga Australyanong may kahanga-hangang ambag sa komunidad.
Ang mga nominasyon ay sinusuri ng isang independenteng konseho na nagbibigay ng rekomendasyon sa Governor-General.
Ayon kay Rob Ayling mula sa opisina ng Governor-General, ang Order of Australia ay para sa lahat ng Australyano — at nagsisimula ito sa nominasyon mula sa mismong komunidad.
“Some recipients are very well known, but the vast majority are unsung heroes—the sort of people that we all know in the community that give tirelessly of themselves, work selflessly and really make a difference. Some are volunteers, some achieve things in the community sector in industry, in sports, in the arts.”
There's really no limit to who can be recognised, but everyone that is recognised has one thing in common—and that's that somebody else has taken the time to nominate them for recognition.Rob Ayling, Director at the Governor-General’s Office
Ang Council of the Order of Australia ang namamahala sa proseso at nagdedesisyon kung sino ang dapat kilalanin at saang antas: AC, AO, AM, at ang pinakakaraniwang iginagawad — ang OAM o Medal of the Order of Australia.

Medal of the Order of Australia. Credit: Tim Thorpe
Tim Thorpe receiving his OAM from former General Governor of Victoria Linda Dessau. Credit: Tim Thorpe OAM
The common thing with anybody who gets these awards is they think, ‘am I really worthy of this?’ But I think that's up to others to judge rather than me. And I appreciate the fact that they thought I was worthy of an award.Tim Thorpe, OAM recipient

Hilkat Ozgun OAM
Gusto mo bang mag-nominate?
Pahabol ni Rod Ayling, handa silang tumulong para sa pagsagot ng nomination form.
“We all want the Order of Australia to reflect the true diversity and strength of our country. And the only way for that to happen is for all Australians to take an active part in it, to look around their community, identify people that they think are extraordinary and have a great impact, whatever their work is, whatever their background is, and consider nominating them for the Order of Australia.”
Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga topic o ideya ka bang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.