Mahalaga ang regular na pagbisita sa beterinaryo para mapanatiling malusog ang iyong alaga. Alamin kung ano ang aasahan sa veterinary clinic sa Australia, mula sa check-up at bakuna hanggang sa mga payo sa tamang pag-aalaga.
Key Points
- Ang regular na pagpapatingin ng iyong alaga sa beterinaryo ay nakakatulong para maiwasan ang sakit at maagapan ang anumang karamdaman.
- May mga veterinary emergency centre na maaaring puntahan kung kailangan ng agarang pangangalaga ang iyong alaga, kahit lampas na sa karaniwang oras ng klinika.
- Bilang may-ari ng alagang hayop, ikaw ang may pananagutan sa lahat ng gastusin para sa kanilang pangangalaga, kabilang ang bayad sa beterinaryo.
Ang pagiging responsableng pet owner ay nangangahulugang regular na pagdadala ng iyong alagang hayop sa beterinaryo o vet para sa health check-up.

Ayon kay Dr. Diana Barker, mahusay ang mga alagang hayop sa pagtatago ng kanilang sakit, kaya maaaring may problema sila kahit mukhang maayos o malusog.
“So regular checkups can alert vets to those subtle changes that you might not see, but also gives you an opportunity to discuss preventative care for your pet.”
Kasama sa preventive care ang bakuna, parasite control, at dental care para maiwasan ang sakit, habang ang diagnostic tests ay nakakatulong sa maagang pagtuklas ng karamdaman.
“Having that regular relationship with your local vet also helps minimise any stress or anxiety that your pet might have going to the vet. So they might get used to the vet a little bit more than just sort of arriving when they're unwell."

In Australia, snake bites are something that we always treat pretty urgently.Dr Ryan Ong

Part of owning a pet is that sometimes things go wrong when you least expect it. It is always worth talking to your family to have a plan about the financial responsibility for your pet and having a contingency about how you would pay for those costs.Dr Diana Barker
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o ideya kang gustong itampok? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au





