Key Points
- Ang kababaihan ay nakakaharap ng ibang mga hamong legal kumpara sa kalalakihan, tulad ng diskriminasyon sa trabaho, family violence, at hindi pantay na kita.
- Ang mga serbisyong legal para sa kababaihan ay inuuna ang kaligtasan at pagiging kumpidensyal.
- May mga libreng serbisyo na puwedeng ma-access ng mga kwalipikadong kababaihan sa buong bansa.
- Mayroon ding mga espesyal na serbisyo na tumutulong sa migrant at refugee na kababaihan, pati na rin sa First Nations na kababaihan.
Ang legal system o sistema ng batas sa Australia ay maaaring maging komplikado at mahirap unawain. Para sa kababaihan, mas lalo itong nagiging hamon. Mas madalas nilang kailangan ang tulong legal, pero mas marami rin silang pinagdaraanan na hadlang para makuha ito.
Dahil dito, may mga espesyal na serbisyong legal para sa kababaihan na nakatuon sa pagbibigay ng suporta sa oras na pinaka-kailangan nila.
Kung problema kang legal at hindi mo kayang magbayad ng abogado pwede kang makipag-ugnayan sa Women’s Legal Service sa inyong estado o teritoryo.

We're helping women on temporary visas who are trying to escape violence, to navigate really complex immigration, family law, family violence systems.Adrianne Walters

The same woman who comes to our centre who experiences sexual harassment, may have also been dismissed or sacked for speaking up about the issue, or they may have also experienced wage theft.Aira Firdaus

Makipag-ugnayan para makapagsimula ka:
Women's Legal Services (state or territory)
Working Women's Centre Australia (state or territory) or phone the listed 1800 number
inTouch Women’s Legal Centre (Victoria only) or phone 1800 755 988
Regional at remote areas
May makukuhang suporta nang personal, online, o sa telepono sa pamamagitan ng Community Legal Centres o Legal Aid commissions na nakalista sa ibaba:
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o paksa ka bang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.







