Naglunsad ang NSW government ng unang Migrant Workers Centre sa Sydney para tulungan ang mga migrant worker na nakakaranas ng work exploitation. May pondong $6.5 milyon ito para sa susunod na 4 na taon upang magbigay ng workplace, safety, at immigration support sa mga temporary visa holders sa buong estado.
Key Points
- Ayon sa Migrant Justice Institute, halos 2 sa bawat 3 temporary visa holders ang kulang ang sahod, habang nawawalan ng mahigit $60 milyon kada linggo ang mga international student, at mahigit isang-katlo ang nagtatrabaho sa ilalim ng ABN o contractor setup.
- Sabi ni Mark Morey, presidente ng NSW Unions, mahalagang bahagi ng Australia ang migrant workers dahil sila ang tumutulong magpatakbo ng maraming industriya sa bansa.
- Inilunsad sa Sydney CBD ang kauna-unahang Migrant Workers Centre at mga outreach centres sa regional NSW para mas madaling matulungan ang mga migrant worker na nakakaranas ng underpayment, delikadong trabaho, at exploitation.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram
Share



