Dahil spring na, patok na pasyalan ang Petteet Park Sa York WA, kung saan masisilayan ang mga naggagandahang bulalak ng canola.
Makikita dito ang matatayog na canola flower na nagmistulang ginintuang hardin dahil sa kulay dilaw nitong bulaklak.
Ang Pinoy na si Ella, kahit ilang ulit nang nakarating sa canola fields ay hindi pa rin umano nasasawang bumisita dito. Kaya naman dinala na nya pati ang kaniyang pamilya.

Source: Supplied by Hazel Salas
"Dati naman, lahat tayo we were afraid to go out kasi nga ang taas ng numbers ng COVID [cases]."
Pagdating sa pamamasyal, paalala niya na pa din na ipagpatuloy ang social distancing at proper hand washing.
"You just have to follow the right measures and the rules. Wear your mask and wash your hands when you need to."
"Everything can be controlled, basta sumusunod tayo sa rules."
Bilang pinakamatandang bayan sa WA. Masisilayan sa Yorkang mga makasaysayang gusali.
Mag muni-muni sa Avon River na dating tagpuan ng mga lokal mula sa ibat ibang panig ng Western Australia simula pa noong 1900’s.

Source: Supplied by Hazel Salas
O magpicture-picture sa Mundaring catchment area kung saan makikita ang higanteng dam na pangunahing pinagkukunan ng inuming tubig dito.
Matapos ang ilang buwan na pagpigil sa sarili na pumasyal dahil sa COVID-19. Masasabi ni Ella na dahil maari nang bumayhe ang mga taga-WA na isang magandang pagkakataon na ito upang mag-relax at makalanghap ng sariwang hangin upang ma-enjoy ang spring season.
"Now that it's slowly going back to normal, I think it's time to help tourism rise again."