Mobile Passport Mission, suspendido

Philippine passport

Source: iStockphoto

Suspendido ang mobile passport mission ngayon taon sa Darwin, Adelaide, Brisbane, at Perth matapos ang patuloy na pagpapatupad ng mga travel restrictions sa mga states at territories ng Australia.


Highlights
  • Hindi matutuloy ngayong taon ang Mobile Passport Mission dahil sa COVID-19 pandemic
  • Inaanyayahan ni WA Philippine Consul Virma Symons ang mga Pinoy na magvolunteer sa opisina ng Philippine Consulate sa Perth
  • Mga Pilipino sa Western Australia, kampante bumyahe at pumunta sa mga tourist spot sa WA Inaanyayahan naman ni WA Philippine Consul Virma Symons ang mga Pinoy na mag-volunteer sa opisina ng Philippine Consulate Perth. Ito ay kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong dumadagsa sa kanilang opisana dahil sa passport extension application. Para sa mga nais mag-apply ng passport extension paalala nila maari kang mag apply kung ikaw ay : 1. Seafarer na hindi makakauwi sa Pilipinas2. Nakakaranas ng emergency situation tulad ng hospitalisation3. Philippine national na may visa na hindi baba sa 30 araw ang validity. Mayroon lamang apat na requirements para makapag-apply ng passport extension. Una ay ang original passport at photocopy ng data page nito, ikalawa ay 2 pcs passport size photograph, fill upan ang 2 form tulad ng request form at application form na maaring idownload sa website ng philippinebassy.org.auAt huli, mag handa ng $36. Hindi tumatanggap ng walk-in ang opisina ng Philippine Consulate kaya dapat na magpa-appointment sa pamamagitan nang pagtawag sa kanilang opisina.
Ang mga Pilipino na may passport validity na hindi bababa sa anim na buwan ay maaring mag apply ng passport renewal sa Philippine embassy sa Canberra at sa Philippine Consulate General sa Sydney kung mapahihintulutan ang aplikante alinsunod sa travel regulations.

 

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily
Like and follow us on Facebook for more stories

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand