Mula sa matinding kompetisyon sa larangan ng palakasan hanggang sa entablado ng beauty pageant, ipinapakita ng taga–Gold Coast na si Lally Del Vecchio na ang lakas at ganda ay maaaring magsama sa iisang misyon ng pagbibigay-inspirasyon.
Key Points
- Mula sa palakasan hanggang sa entablado: Si Lally Del Vecchio na nakabase sa Gold Coast ay lumipat mula sa matinding kompetisyon sa hockey at dragon boat racing patungo sa mundo ng beauty pageant.
- Tubong Maynila at dating bank worker, lumipat siya sa Australia sa edad na 19, kung saan kasama ang kanyang asawang si Luke ay pinalaki nila ang kanilang apat na anak.
- Ngayon sa edad na 50, mas inilaan niya ang kanyang oras sa adbokasiya at gawaing pangkawanggawa na layuning makatulong sa kapwa.

I came to Australia when I was only 19, a bit shy, but I pushed myself to meet people from different cultural backgrounds. I’m proud that at a young age I experienced hardship—I learned to scrub floors, clean windows, and work hard from the ground up. I also went through difficult times in my early years in Australia, but that’s all part of growth and resilience.Gold Coast resident, Lally Del Vecchio
Isang dating Queensland Masters Women’s Hockey player at Australian competitive dragon boat athlete, kinilala si Del Vecchio sa kanyang husay at determinasyon sa palakasan, kabilang ang pagrepresenta sa Australia sa 14th IDBF Club Crew World Championships sa Ravenna, Italy.

Mula sa hockey field at dragon boat race lanes, isang bagong entablado ang kanyang tinatahak - ang mundo ng beauty pageant na puno ng adbokasiya at patuloy niyang ipinapakita ang kumpiyansa, disiplina, at layuning magbigay-inspirasyon sa kababaihan.
Wherever life takes us, whether in hardship or comfort, we can overcome anything. Now that I’m 50 and after raising four children, my passions in modelling and fashion are coming back to me. I want to use that journey to empower and help others as well.Lally Del Vecchio, Mrs Summit Asia
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





