Key Points
- Sa pag-aaral ng Migrant Justice Initiative noong 2024, sinuri ng mga mananaliksik ang sagot ng halos 10,000 migrant workers mula sa iba’t ibang bahagi ng Australia, kabilang ang mga international students, sponsored workers, graduates, backpackers, at iba pang temporary visa holders.
- Sa datos na inilabas nitong unang linggo ng Mayo, lumabas na umaabot sa $3.18 billion kada taon ang kulang na sahod ng international students pa lang.
- Natuklasan din na isa sa bawat apat na migrant workers ang kulang ng hindi bababa sa $10 kada oras sa kanilang sweldo.
- Ayon kay Bassina Farbenblum, co-executive director ng Migrant Justice Initiative at associate professor sa UNSW Faculty of Law and Justice, ipinapakita ng survey hindi lamang ang malawakang underpayment at kawalan ng job security ng migrant workers, kundi pati na rin kung paano umano itinatago ng ilang employer ang workplace exploitation.
- Ayon sa pag-aaral, ginagamit umano ng ilang employer ang maling paggamit ng ABN bilang pangunahing paraan para maitago ang hindi tamang pasahod at iba pang paglabag sa trabaho.







