Key Points
- Patuloy pa rin ang mga legal na hakbang para maprotektahan ang Indigenous Cultural at Intellectual Property sa Australia.
- Mahalagang magtanong nang tama sa mga nagbebenta ng Aboriginal at Torres Strait Islander art at crafts.
- Kapag bumibili ka ng tunay na First Nations artwork, lahat ay nakikinabang—ang artist, komunidad, at ikaw bilang mamimili.
Ang mga tunay na First Nations artwork ay may mataas na halaga, hindi lang sa sining kundi pati sa kultura.
Dahil bahagi ito ng pamana na ipinasa sa bawat henerasyon sa loob ng mahigit 60,000 taon.
Ang Indigenous art at craft protektado ba Australia?
Sakop ng Indigenous Cultural and Intellectual Property (ICIP) ang lahat ng tradisyunal na kaalaman at pagpapahayag ng kultura ng Aboriginal at Torres Strait Islander peoples.
Isa sa mga pinaka-kilalang halimbawa nito ang mga simbolo at disenyo.

Nangako ang gobyerno ng Australia na magpatupad ng mga partikular na batas para protektahan ang ICIP, kabilang ang pagtugon sa pinsalang dulot ng pekeng art, merchandise, at souvenirs. Patuloy pa ring umuunlad ang mga proteksyong ito.
Si Stephanie Parkin ay Chair din ng Indigenous Art Code, isang pambansang organisasyon na nabuo matapos ang Senate inquiry noong 2007. Layunin nitong protektahan ang mga artist at kanilang likha sa pamamagitan ng voluntary code of conduct para sa mga negosyo at art dealers.
The issue of fake art has been around for decades. It is not just impacting financial aspects for artists, there's also cultural damage and impacts for communities.Stephanie Parkin

Tumungo sa higit 100 Indigenous Art centres sa buong bansa.
Isa sa mga paraan para masiguro na ethical ang pagbili mo ay hanapin ang black and red sphere logo ng Indigenous Art Code.
![Aboriginal Art Co 02[36] copy.jpg](https://assets.sbs.com.au/09/d0/1a3f2ed542e6af286b779ea5658a/aboriginal-art-co-0236-copy.jpg?imwidth=1280)

Often when you purchase off an artist, that's really something that's benefiting their communities as well.Saretta Fielding
Mag-subscribe o i- follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o paksa ka bang gustong pag-usapan?Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au







