Key Points
- Umabot sa mahigit $23 milyon ang nawala sa mga Australians noong nakaraang taon dahil sa romance scams. Mas nagiging magaling na ang mga scammer sa panlilinlang.
- Madalas nilang target ang mga nakatatanda, biyudo o biyuda, divorcees, new migrants sa Australia, at mga Indigenous. Pero tandaan—kahit sino na naghahanap ng pag-ibig online ay pwedeng mabiktima.
- Mabilis silang bumuo ng tiwala gamit ang malambing na salita at emotional manipulation, para makahingi ng pera o personal na impormasyon.
- Bantayan ang mga red flags (ayaw makipagkita sa personal, ma-sekreto o ayaw ipaalam sa iba ang ugnayan, humihingi ng pera). Protektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay.
Akala mo siguro, hindi ka mabibiktima ng romance scam, pero sa sobrang galing na ng mga scammer ngayon, kahit sinong naghahanap ng pag-ibig ay pwedeng malinlang.
Kadalasan nilang tina-target ang mga mas madaling malinlang gaya ng matatanda, biyudo’t biyuda, mga hiwalay, migrants, Indigenous people, at mga may kapansanan, pero tandaan, walang ligtas. Kahit sino ay puwedeng mabiktima.
Paliwanag ni Dr Ritesh Chugh, ang associate professor at socio-tech expert mula Central Queensland University.
“They usually focus on people who are emotionally isolated, financially stable or inexperienced with online dating. But having said that, anyone can be a victim, including younger people, because scammers will usually tailor their approach based on the victim’s background and online activities.”


Paano protektahan ang sarili laban sa scams:
- Huwag i-share o ipaalam ang iyong personal information, passwords o financial details sa taong nakilala mo sa online.
- Huwag magbahagi ng intimate photos or videos, dahil baka gamitin ito ng scammer para pang-blackmail.
- Huwag magbigay ng pera o maglaan ng pera sa investments ng nakilala mo sa online.
- Ang mga scammers ay gumagamit ng AI-generated images at videos, kaya ang video calls ay hindi garantiya para makumpirma ang identity ng isang tao.

Kung sa tingin mo ikaw ay nabiktima ka ng romance scam:
- Agad makipag-ugnayan sa bangko.
- Ibahin ang online passwords.
- Makipag-ugnayan sa IDCARE para sa support.
- Ipaalam ang scam Scam Watch National Anti-Scam Centre.
- Maari ding makipagtulungan sa Two Face Investigations.
If you’ve been the victim of a romance scam, please know that you’re not alone. It happens to millions of people in Australia and globally. And it is not your fault. Stop engaging with them, block them and report them.Dr Ritesh Chugh

Para sa karagdagang impormasyon o i-report ang scam, bisitahin ang scamwatch.gov.au.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May tanong ka ba o may gusto kang topic na pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.







