Sa kabila ng matinding diskriminasyon na kanyang naranasan noong mga unang taon niya sa Queensland Australia, si Esther Hoy ay naging isang matagumpay na chef at café manager. Buong puso niyang tinuturuan ngayon ang mga internasyonal na estudyante na nagsisimula sa kanilang buhay sa Gold Coast, ibinabahagi ang mga kasanayan at aral na kanyang natutunan.
Key Points
- Bilang isang bihasang barista, ang tubong Ilocos Sur ay naglunsad ng mga libreng workshop para sa mga barista para sa mga internasyonal na estudyante sa Gold Coast noong 2015.
- Kasama ang kanyang asawang si Richard, layunin ni Esther Hoy na suportahan ang mas maraming estudyante, lalo na ang mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanilang Euphoria Espresso Café sa Gold Coast.
- Ayon sa datos ng Trade and Investment Queensland, noong 2021, umabot sa higit 25,300 ang kabuuang bilang ng naka-enrol na estudyante sa Gold Coast na naka-student visa.

Ang dating domestic helper sa Hong Kong na si Esther Hoy ay muling nag-aral ng culinary arts at management, kalaunan ay naging isang ganap na kwalipikadong chef at namamahala ng kanilang pangalawang café sa Gold Coast.

We don’t earn much from it, but it’s rewarding to see that some of the students I have mentored are now residents here and they are mentoring younger students too.Chef and cafe owner Esther Hoy
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





