Key Points
- 51 taong gulang zumba enthusiast at Certified Retro Fitness Dance Instructor Janet McKelvie mula Brisbane ibinahagi ang sekreto para magbawas at mapanatili ang tamang timbang, mga anak nito minana ang pagigiging health conscious, kanilang dyeta binabantayan din.
- Ayon sa Australian Institute of Health and Welfare sa Australia umaabot sa 63.4 percent adults at 24 percent na mga kabataan ang overweight o obese.
- Australya napabilang sa top 5 na may pinakamataas na bilang ng mga adults na overweight o obese.
- Australya napabilang sa top 5 na may pinakamataas na bilang ng mga adults na overweight o obese.
Dahil ayaw mamana ang sakit ng kanyang mga magulang na high blood pressure bata pa lang ang 51 taong gulang na ngayong si Janet McKelvie mula Brisbane ay binabantayan niya ang kanyang dyeta at sinisigurong active ang kanyang lifestyle.
Hanggang sa dumating ito sa Australya at nagkaroon ng dalawang anak kung saan itinuro nito ang pagiging health conscious.

[L-R] Namana ni Cara McKelvie ang pagiging conscious sa kanyang pangangatawan sa kanyang ina na si Janet. Maliban sa pag-ehersisyo, binabantayan din ng mag-ina ang kanialng dyeta. Credit: janet McKelvie

Daniel Mckelvie seryoso sa kanyang muscle building at body toning. Credit: Janet McKelvie
Si Janet ay isang zumba enthusiast at Certified Retro Fitness Dance Instructor, nakahiligan din niya ang pagkain ng preskong gulay para sa salad, isda at manok.

Zumba enthusiast at Certified Retro Fitness Dance Instructor Janet Mckelvie mula Brisbane ibinahagi ang sekreto para magbawas at mapanatili ang tamang timbang. Credit: Janet McKelvie
May pahabol na payo naman si Janet sa mga tulad niyang magulang.
"Use your kids as a good excuse to go out and be active, go and run or walk with them in the park or ever ride your bikes with them or even just play in the playground."
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.