Matapos alamin ang market behavior ng mga nag-wo-work out sa Australia, napansin ng Melburnian fitness coach Andre Cabrera na kailangan niyang baguhin ang stratehiya at tumutok sa mga group training ng mga magulang na walang oras mag-ehersisyo sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang mga mag-aaruga ay isang early childhood teacher at nurse.
Key Points
- Tinatayang nasa 7,311 gyms at fitness centers noong taong 2023 sa Australia, base sa Statista.
- Ayon kay Cabrera, konti lang overhead expenses sa kanyang negosyong - B.C Fitness dahil nag-aarkila lang siya ng gym kapag may group training sessions.
- Bagamat may hamong hinaharap sa paghahanap ng kliyente, determinado si Cabrera na ang bagong business strategy niya ay makakatulong sa kanyang negosyo.
Share





