Key Points
- Ipinagpalit ng residente ng Gold Coast na si Joyce Santiago-Savage ang matagumpay na karera sa mundo ng fashion upang ituloy hilig sa motivational speaking.
- Nakatutok siya ngayon sa pagbibigay inspirasyon sa iba—lalo na sa mga kababaihan at migrante—na mamuhay nang may layunin at pagiging totoo.
- Mula sa kanyang personal na karanasan at pagiging Pilipino, pinagsama ni Joyce ang mga tema ng pagkakakilanlan, katatagan, at paniniwala sa sarili sa kanyang trabaho, binibigyang lakas ang iba na magkaroon ng kumpiyansa, palakasin ang pag-iisip, at gamitin ang kanilang buong potensyal.
Mahigit limang taon na ang nakalipas, madalas na bumiyahe sa iba't ibang bansa si Joyce Santiago-Savage — mula Sydney, Paris, Milan, New York— para mamili ng pinakabagong mga fashion trend. Isang glamorosong buhay na pinapangarap ng marami. Ngunit sa likod ng karangyaan, tila may kulang.
“I realised success isn’t just about titles or paychecks,” aniya. “It’s about purpose—waking up every day knowing you’re making a difference.”
Nagtulak ito sa matapang na desisyon na hinarap ng tubong-Tarlac sa Pilipinas. Iniwan niya ang industriya ng fashion at niyakap ang isang bagong hamon: ang motivational speaking.

Through her dynamic approach to confidence-building, mindset shifts, and personal transformation, Joyce empowers individuals and organisations to overcome barriers, embrace change, and achieve remarkable results. Credit: Supplied by Joyce Savage
“The decision to leave everything behind was terrifying,” aniya.
“I questioned myself constantly—was I making the right choice? But I knew deep down that I had to follow my heart.”
Ang pagbabago ng karera ay hindi naging madali. Kailangan niyang iwan ang isang sigurado at magandang karera ay nagdulot ng kawalan ng katiyakan at pagdududa. Gayunpaman, nanatiling matatag si Joyce, buo ang kanyang loob at pananalig na ang pagbabahagi ng kanyang mga personal na pakikibaka ay maaaring magbigay ng lakas sa iba para magtagumpay sa kanilang buhay.

Before stepping into motivational speaking, Joyce enjoyed the luxury of travelling between the world’s top fashion cities such as Paris and New York, and even launched her boutique, blending her passion for style with entrepreneurship. Credit: Supplied by Joyce Savage
Hayagan niyang tinatalakay ang pagharap sa takot, mga hamon kaugnay ng kinagisnang kultura, at pagtanggal ng pagdududa sa sarili—mga hamon na karaniwan sa maraming migrante.
“I want to empower others to break free from what holds them back,” Joyce says. “With the right mindset, we all have the power to rewrite our stories, build confidence, and unlock our full potential.”

Her talk topics include building confidence, cultivating a growth mindset, embracing individual strengths, and unlocking one’s full potential. Credit: Supplied by Joyce Savage
Ngayon, bilang isang motivational speaker at mindset mentor, inilalaan niya ang kanyang sarili sa pagbibigay inspirasyon sa mga kababaihan at migrante, kabilang ang komunidad Filipino-Australian, na yakapin ang kanilang pagkakakilanlan at mamuhay nang totoo.
Sa pamamagitan ng mga keynote address, workshop, at mga programa sa komunidad, ibinahagi ni Joyce ang kanyang personal na kuwento ng pagbabago—isang nakaugat sa pagkakakilanlan, katatagan, at paniniwala sa sarili.

The Savage family spent 10 months travelling the world, including visits to Paris and the U.S. Credit: Supplied Joyce Santiago-Savage
RELATED CONTENT

Beyond her hijab, Aaliyah Yco empowers women
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.