Kapag nakikita o nararanasan natin ang mga bagay na salungat sa ating paniniwala, maaari tayong makaramdam ng tinatawag na “political grief.” Ayon sa ilan, may papel ito sa lumalalang pagkakahati-hati ng lipunan.
Nakaapekto ba sa inyong mga pagkakaibigan ang inyong pananaw sa pulitika? O nahihirapan ka bang makaugnay sa partidong dati mong ibinoboto?
Tinatawag ng mga eksperto ang ganitong pakiramdam na “political grief,” at sinasabi nilang maaari itong magdulot ng mas matinding pagkakahati-hati sa lipunan.
Ayon kay Professor Larissa Hjorth mula sa School of Media and Communication ng RMIT University, lumilitaw ang political grief sa lumalalang paghahati ng media at ng lipunan sa pangkalahatan.
The thing about political grief is that you're getting those kind of echo chambers.Professor Larissa Hjorth, School of Media and Communication, RMIT University
"Somebody who's identified left, somebody who's identified right, they're not coming together in any way," aniya.
Ayon sa isang bagong pag-aaral ng Grattan Institute, mas mababa pa rin ang kabuuang antas ng political polarisation sa Australia kumpara sa ibang mga demokrasya.
Sa kanilang ulat na “For the people: future-proofing Australia’s democracy,” lumalabas na humigit-kumulang 1 sa 10 Australyano lamang ang nagsasabing hindi nila kayang maging kaibigan ang isang taong may magkaibang pananaw sa pulitika.
Gayunman, sinasabi rin ng ulat na nasa ilalim ng pressure ang social compact ng bansa.
Ayon kay Kate Griffiths, Deputy Director ng Democracy Program sa Grattan Institute, nararamdaman ng mga Australyano ang humihinang pakiramdam ng pagiging kabilang at oportunidad, at mas lumalakas na pakiramdam ng hindi pagkakapantay-pantay o kawalan ng katarungan.
They're the sorts of things that could lead down the track to disengagement or discontent with the system itself.Kate Griffiths, deputy director of the Democracy Program at Grattan Institute
Sa episode ngayong linggo, tinalakay ng SBS Examines ang political grief at narinig ang mga karanasan ng ilang Australyano tungkol dito.
Ang episode na ito ay binuo sa pakikipagtulungan sa SBS Mandarin.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





