Highlights
- Prime Minister Scott Morrison, umaasang kaagarang makakatanggap ang mga Australyano ng bakuna kontra COVID matapos pumirma ng dalawang kasunduan
- Pangulong Donald Trump, nananatiling positibo na makakagawa ng bakuna ang Amerika sa lalong madaling panahon
- Sa Pilipinas, Pangulong Duterte binigyan ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Pemberton
Maaari nang makalaya at bumalik ng Amerika si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na nahatulan sa kasong homicide si Pemberton noong 2015 dahil sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong 2014.
Ayon kay Pangulong Duterte nagdesisyon siyang bigyan ng absolute pardon si Pemberton dahil sa hindi pantay na pagtrato sa kanya matapos hinarang ng kanyang mga kalaban ang kanyang maagang pagpapalaya dahil sa good conduct in detention.


