Key Points
- Ang BreastScreen Australia ay isang pinagsamang inisyatiba ng mga pamahalaan ng mga estado at teritoryo ng Australia upang bawasan ang sakit at pagkamatay dulot ng kanser sa suso sa pamamagitan ng maagang pagtuklas sa sakit.
- Ang mga babae na may edad na 40 pataas ay maaaring magkaroon ng libreng mammogram tuwing dalawang taon, habang ang mga babae na nasa edad 50 hanggang 75 ay hinihikayat ding sumali.
- Inirerekomenda ng mga doktor na dapat mas maagang sumailalim sa breast self exam at mammogram ang mag kababaihang may kaso ng kanser sa kanilang pamilya o angkan.
Hindi pa sumailalim sa breast screening ang 40 anyos na si Arlyn Cortez mula Tarlac pero dahil andito na siya sa Australia bukas ito na magpatingin sa doktor lalo't eligible na ito sa libre benepisyo na inihahatid ng gobyerno.
"Lahat ng libre i-grab na natin para sa sarili ko at sa aking mga anak sa Pilipinas, " kwento niya.

Bukas si Arlyn Cortez na sumailalim sa breast screening para na din sa kayang kabutihan at sa naiwan pang mga anak sa Pilipinas dahil ang lakas niya ngayon ay ang bumubuhay sa kanyang pamilya. Source: Arlyn Cortez
Si Arlyn ang mag-isang bumubuhay sa kanyang apat na anak na naiwan sa Pilipinas, sa pangangalaga ng kanyang magulang.
Bilang isang childcare educator umaasa siya na balang araw makukuha at makapiling din niya ang kanyang mga anak.
Dahil ang lahat ng kanyang pagsasakripisyo ay para sa maayos na kinabukasan ng ito, na itinuring niyang yaman.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.






