KEY POINTS
- Sa pananliksik ni Ros Ben-Moshe ng La Trobe University sinabi na ang pagtatakda ng labis na ambisyosong mga resolusyon tuwing bagong taon ay kadalasang humahantong sa mas mataas na mga antas ng pagkabigo. Sa isang pahayag sa SBS News, sinabi niya na humigit-kumulang 50% ng mga nasa hustong gulang ang gumagawa ng mga resolusyon, ngunit humigit-kumulang 80% sa mga ito ay nabigo sa araw ng mga puso.
- Binahagi ng holistic nutrition coach at founder ng fitfoodiemommy.com na si Tara Tan kung paano mapapanatili ang malusog na katawan, pag-iisip at buhay o maging consistent sa healthy habits kahit na humaharap sa mga di maiiwasang stress.
- Ang pag-abandona sa tradisyon ng mga resolusyon ng bagong taon at pagtatag ng malinaw na mga intensyon na praktikal at makakamit ay magkakaroon ngpositibong resulta.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.