Sino ang kinikilalang Stolen Generations ng Australia?

KINCHELA BOYS HOME

Kinchela Boys Home Aboriginal Corporation. AAP Credit: SUPPLIED BY KINCHELA BOYS HOME ABORIGINAL CORPORATION/PR IMAGE

May madilim na bahagi sa kasaysayan ng Australia kung saan sapilitang inalis ang mga batang Aboriginal at Torres Strait Islander mula sa kanilang pamilya upang palakihin sa non-Indigenous na lipunan. Bunga nito, nagdusa sila ng matinding trauma at pang-aabuso na ramdam pa rin hanggang ngayon. Ngayon, kinikilala sila bilang mga nakaligtas ng Stolen Generations o “Mga Ninakaw na Henerasyon,” habang patuloy ang pagkilos ng mga komunidad tungo sa pagbabago.


Key Points
  • Libu-libong batang Katutubo ang sapilitang inalis sa kanilang mga pamilya at pinalaki kasama ang mga Europeans o non-Indigenous People.
  • Ang pagkalas na ito ay nagdulot ng matinding sakit at trauma na naipasa maraming henerasyon.
  • Ngayon, unti-unting naghihilom ang mga komunidad sa pamamagitan ng muling pagkilala sa kanilang kultura at mga programang sumusuporta sa kanila.
  • Mahalaga ang edukasyon at pambansang pagkilala upang mapagaling ang mga sugat ng nakaraan.
Babala sa Nilalaman:
Ang episode na ito ay may mga sensitibong paksa tulad ng trauma, sapilitang pag-alis ng mga bata mula sa kanilang pamilya, at pagbanggit sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander na pumanaw na.

Mula 1910 hanggang dekada 1970, libu-libong batang Aboriginal at Torres Strait Islander ang sapilitang inalis sa kanilang mga tahanan sa ilalim ng mga opisyal na patakaran ng pamahalaan.

Sila ay inilagay sa mga institusyon o pinaampon sa mga pamilyang non-Indigenous o hindi Katutubo.

Bakit kinuha ang mga bata?

Sinabi ni Shannan Dodson, isang Yawuru woman mula sa Broome at CEO ng Healing Foundation, na may mapanirang layunin sa likod ng sapilitang pag-alis sa mga batang iyon.

“What was heartbreaking about the Stolen Generations was that it was tens of thousands of children that were removed, and mostly for the sole reason of wanting to assimilate them into non-Aboriginal culture... Many of those children suffered abuse and many of them never saw their families again.”

Partikular na tinarget ang mga bata dahil mas madali silang paniwalain at mas malaki ang posibilidad na talikuran nila ang sarili nilang kultura. Madalas din na nililinlang ang mga pamilya—sinasabing namatay ang kanilang anak o hindi sila nais alagaan.

Dahil sa kakulangan ng maayos na pagtatala, mahirap matukoy kung gaano karaming bata ang sapilitang inalis, ngunit tinatayang isa sa bawat tatlong bata ang maaaring naapektuhan. Ang tiyak natin: lahat ng komunidad ng Aboriginal at Torres Strait Islander ay nagbago magpakailanman—at ang mga sugat ng nakaraan ay nananatili pa rin.
Stolen Generations Accept Apology From Kevin Rudd On Sorry Day
CANBERRA, AUSTRALIA - FEBRUARY 13: Members of Australia's Stolen Generation react as they listen to Australian Prime Minister Kevin Rudd deliver an apolgy to indigenous people for past treatment on February 13, 2008 in Canberra, Australia. The apology was directed at tens of thousands of Aborigines who were forcibly taken from their families as children under now abandoned assimilation policies. (Photo by Mark Baker-Pool/Getty Images) Credit: Pool/Getty Images

Saan dinala ang mga bata?

Maraming batang ninakaw ang dinala sa mga institusyong pinamumunuan ng estado at simbahan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Tinatawag itong mga training centre o dormitoryo kung saan pinagpapasan sila ng matinding disiplina. Tinatanggal sa kanila ang kanilang pagkakakilanlan, binibigyan ng bagong pangalan, bagong wika, at relihiyon.

Madalas na pinaghiwalay ang magkakapatid, at may mga institusyon na tinutuluyan lamang ang mga sanggol.

Noong 1943, sa edad na apat na taong gulang, dinala si Aunty Lorraine Peeters, isang Gamilaroi at Wailwan woman, sa Cootamundra Domestic Training Home para sa mga batang babae ng Aboriginal sa NSW. Ang kanyang dalawang kapatid na lalaki naman ay dinala sa kilalang Kinchela Aboriginal Boys' Training Home.

“Punishment was automatic if you forgot to be white."

“We couldn’t even talk about being an Aboriginal person. And you take that as a four-year-old being brainwashed. You soon forgot Aboriginal ways and learnt white ways. And the punishment was horrific in those places.”

Sa loob ng 10 taon, sinanay si Aunty Lorraine bilang katulong sa mga non-Indigenous na pamilya.

Ngayon, siya ay isang matatag na tinig para sa mga nakaligtas at ang tagapagtatag ng Marumali Program, isang programa ng pagpapagaling na iniakma para sa mga nakaranas ng sapilitang pag-alis.
Shannan Dodson CEO Healing Foundation.png
Shannan Dodson CEO Healing Foundation

Ano ang intergenerational trauma?

Ang trauma na dinanas ng mga bata, pamilya, at komunidad ay patuloy na nararamdaman hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Aunty Lorraine, may mga kabataan ngayon na hindi na alam kung sino sila, saan sila nagmula, o bakit nila ginagawa ang mga bagay sa paraang kanilang ginagawa.

“It's a vicious cycle. If we don't break it in our families, it'll keep going.”

Dahil sa kakulangan ng suporta noong nakaraan, madalas naipapasa nang hindi namamalayan ang trauma sa mga bata habang nasasaksihan nila ang sakit na dinaranas ng kanilang mga magulang at lolo't lola.

Ito ay tinatawag na intergenerational trauma o trauma na naipapasa sa iba't ibang henerasyon.

Ayon kay Shannan Dodson, pinag-uusapan ng mga nakaligtas kung gaano kahirap maging magulang sa kanilang sariling mga anak dahil hindi sila lumaki sa isang mapagmahal at suportadong kapaligiran.

“Some survivors have admitted that due to the trauma that they've experienced, they've sadly passed on that trauma to children of their own. And we see that cycle then repeating to grandchildren and great-grandchildren. And that's why we refer to it as intergenerational.”

Makikita ngayon ang mga sintomas ng intergenerational trauma sa mataas na bilang ng pagkawasak ng pamilya, karahasan, pagkakakulong, pagpapakamatay, at paggamit ng droga at alak.

Ngunit nagsusumikap na ang mga komunidad na wakasan ang siklo ng trauma sa pamamagitan ng pagpapagaling.
Australian Aboriginal Girl Visiting the Doctor
A vital component of healing is education—ensuring that all Australians understand the truth about the Stolen Generations. Credit: davidf/Getty Images

Ano ang hitsura ng pagpapagaling mula sa trauma?

“I think healing is something that looks different to different people, but we do know that survivors need to self-determine what that healing looks like for themselves,” sinabi ni Shannan Dodson.

Ang pagpapagaling ay nangangahulugang muling pagtatayo ng mga istruktura ng pamilya at matibay na mga komunidad. Nangangahulugan din ito ng muling pagbabalik ng pagkakakilanlan at pagmamalaki sa sarili. Ang muling pagkonekta sa lupa, kultura, at wika ay tumutulong upang maibalik ang pagkakakilanlang na nawala.

Ipinapahayag din ng mga nakaligtas ang kanilang pangangailangan na ibahagi ang kanilang mga karanasan at malayang makapagsalita tungkol sa mga makasaysayang kawalang-katarungan o historical injustices.

“In circles and gatherings, you are creating the healing to happen right there,” Aunty Lorraine says of her work with the Coota Girls Aboriginal Corporation, founded by former residents of the Cootamundra Home.

“They talk about it, they heal from it, by just yarning, sharing… and the more they do that, they’re not forgotten.”

Intergenerational Trauma Animation, The Healing Foundation

This video contains the voice of a deceased person.

Edukasyon at pagsasabi ng katotohanan

Isa pang mahalagang bahagi ng pagpapagaling ay ang edukasyon—pagtiyak na lahat ng mga Australyano ay nauunawaan ang katotohanan tungkol sa mga Ninakaw na Henerasyon o Stolen Generations.

“I would love to see [non-Indigenous Australians] give their children a chance to learn the true history of this country,” Aunty Lorraine urges, “and to dismantle the systems, dismantle them and start again because the policies that are written about our mob are really racist, racist based.”
Australia Commemorates National Sorry Day
Leilla Wenberg, a member of the Stolen Generation removed from her parents car at 6 months of age, holds a candle during a National Sorry Day commemorative event at the Royal Prince Alfred Hospital on May 26, 2009 in Sydney, Australia. National Sorry Day has been held annually on May 26 since 1998 to acknowledge the wrongs that were done to indigenous families of the stolen generation. Credit: Sergio Dionisio/Getty Images

Ano na ngayon ang kalagayan ng mga nakaligtas o survivors ng Stolen Generations?

Noong 2008, sa isang makasaysayang sandali, inihayag ni dating Prime Minister Kevin Rudd ang matagal nang hinihintay na Apology o Paghingi ng Paumanhin para sa Stolen Generations, pati na rin sa kanilang mga kaanak at pamilya.

Kasunod nito, nagsimula ang iba’t ibang mga hakbang at proyekto gaya ng pagtatatag ng Healing Foundation.

Sabi ni Shannan Dodson, kailangan pa rin ng tuloy-tuloy na suporta ang mga nakaligtas at kanilang mga pamilya.

“Our organisation is really advocating for a national healing package, ensuring that the remaining justice that needs to be seen for Stolen Generation survivors happens before sadly any more survivors pass away.”

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Marumali, suporta mula sa Healing Foundation, at mga inisyatibong pinangungunahan mismo ng mga komunidad, maaaring magpatuloy ang pagpapagaling sa iba't ibang henerasyon.

Ang tunay na pagpapagaling ay nangangailangan din ng pakikinig ng buong Australia at pagtulong sa mga nakaligtas na mabawi ang kanilang mga kwento.

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga makabuluhang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia. May mga tanong ka ba o gustong imungkahing topic? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au 

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand