Key Points
- Ang mga pangunahing destinasyon ng snow sa Australia ay matatagpuan sa o malapit sa New South Wales (NSW), Victoria, at Tasmania.
- Bago bumiyahe sa mga lugar na may niyebe, siguraduhing alamin kung kailangan ng snow chains sa sasakyan.
- Magdala ng makakapal na damit, gloves, at snow boots para masulit ang winter trip mo.
Ang mga pangunahing snow destination sa Australia ay matatagpuan sa NSW, Victoria, at Tasmania. Maraming ski resorts, national parks, at alpine areas dito kaya swak na swak para sa mga mahilig sa snow.

Sa New South Wales, sikat na ski resorts ang Perisher at Thredbo sa Mount Kosciuszko sa Kosciuszko National Park.

Kung hanap mo naman ang maayos na tobogganing park na angkop para sa lahat ng edad, maari kang pumunta sa Selwyn na magandang destinasyon sa mga hindi gaanong matinding aktibidad.

Sa Victoria, pinakamagandang opsyon ang lugar sa Alpine Shire gaya ng Mount Buller, Mount Hotham, Falls Creek, Dinner Plain at Mount Buffalo.

Sa Tasmania, maaring ma-enjoy ang niyebe sa Mt. Field National Park at Ben Lomond National Park na siyang top destination para sa skiing.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na tips at impormasyon tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May tanong ka o gusto mong topic na talakayin? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.








