Key Points
- Sa Pilipinas, tatlong taong matapos mahinto, nagbabalik ang reenactment ng pasyon at pagpapako sa krus ni Hesukristo sa lalawigan ng Pampanga kung saan 26 na deboto ang ipinako sa krus nitong Biyernes Santo.
- Queensland, inianunsyo ang bagong kasunduan para protektahan ang iconic na bilby, na itinuturing na Australian Easter Bunny.
- Trending worldwide ang #HappyEaster habang sabik ang mga bata sa iba't ibang panig ng mundo para sa kanilang Easter egg-hunting.
Easter Bilby
Alam n'yo ba na ang unang dokumentadong paggamit ng konsepto ng Easter Bilby ay noong Marso 1968? Isang 9-taong-gulang na batang babae sa Queensland, si Rose-Marie Dusting, ay sumulat ng isang kuwento, ang "Billy The Aussie Easter Bilby," na inilathala bilang isang libro pagkalipas ng 11 taon.
Ang pagkakaugnay ng Bilby sa selebrasyon ng Pasko ng Pagkabuhay ay nakatulong sa interes ng publiko na iligtas ang mga bilby na itinuturing na nanganganib.
Nitong Easter weekend, inanunsyo ng Queensland ang bagong kasunduan para protektahan ang iconic na bilby.
Ang pagpopondo ay gagamitin para sa isang captive breeding program sa Charleville, at mapanatili ang mga aktibidad na isinasagawa na sa Astrelba Downs National Park, isang tirahan para sa marsupial bilby.

The Australian federal government is working with state and territory governments to protect bilbies for future generations. Credit: NATIONAL PARKS AND WILDLIFE/PR IMAGE
Easter egg-hunting
Sa maraming lipunan bago magkaroon ng Kristiyanismo, iniuugnay ang itlog sa tagsibol at bagong buhay. Ngunit, sinasabi ng mga ulat na ang kaugalian ng Easter egg hunting ay nagsimula sa Germany, noong huling bahagi ng ika-16 na siglo, nang ang paring Aleman at repormador na si Martin Luther ay nagsagawa ng mga egg hunt para sa kanyang kongregasyon.
Pamamanata at pagpapako sa krus sa Pampanga sa Pilipinas
Matapos ang tatlong taong na mahinto dahil sa pandemya, nagbabalik sa Pampanga sa gitnang Luzon ang tradisyon ng muling pagkabuhay at pagpapako kay Hesus sa krus.
Sa taunang tradisyon ng Semana Santa ngayong taon, nasaksihan ng libu-libong deboto at turista ang 26 na deboto na ipinako sa mga krus sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga.
Taun-taon, naging tradisyon na ng mga deboto sa Pampanga na lumahok sa reenactment ng pagpapako sa krus at iba pang anyo ng penitensya tuwing Semana Santa.