Bunsod ng mga pagbabago sa polisiya patungkol sa negative gearing changes na inanunsyo ng federal government, nagbigay ng abiso ang isang mortgage broker na si Maria Papa na mas tingnan muna ang mga bagong gawang properties at mga lugar na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng paglago ng home equity o sa halaga ng pagmamay ari.
Key Points
- Ang ibig sabihin ng negative gearing ay kapag mas malaki ang gastos mo para sa investment property kumpara sa kinikita nito sa renta. Ang kabuuang pag-kalugi ay binabawas sa iyong sahod, bagay na nagpapaliit ng kabuuang income tax mo.
- Ayon sa Australian Tax Office (ATO), simula 1 July 2027, ang negative gearing para sa residential property para lamang sa new builds o bagong gawang property. Para sa mga pumasok sa exchanged contracts para sa established residential property o matagal nang gawa na property bago ang 12 May 2026, hindi sakop ng mga pagbabago basta ibenta nila ang naturang property o ari-arian.
- Sabi ni Papa, bahagyang bumababa ang presyuhan ng mga bahay sa Sydney and Melbourne, na posibleng makatulong sa mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon para makapasok sa merkado ng real estate.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.





