Highlights
- Ayon sa pag-aaral, mahigit sa kalahati ng mga biktima ng domestic violence na naka-temporary visa ay binantaan na ipapa-deport ng kanilang mga sponsor
- Isinusulong ng mga nagtataguyod laban sa domestic violence na mapalawig ang family violence provision para maisama ang mga temporary visa holder.
- May panawagan din para gawing iligal ang panggigipit at pangmamanipula na tinatawag ring coercive control sa Australia
'Invisible abuse'
Apat na taon ang ginugol ng investigative journalist na si Jess Hill sa pananaliksik at pagsulat tungkol sa krisis sa domestic violence sa Australia sa kanyang libro na See What You Made Me Do, na ngayo’y isa nang dokumentaryo sa SBS.
Aniya, hindi lang pisikal na pananakit ang batayan ng domestic abuse. Nariyan din ang panggigipit at pangmamanipula na tinatawag rin na coercive control.
Karaniwang indikasyon ng coercive control ay ang mga sumusunod:
- Panggigipit sa aspetong pinansyal
- Inilalayo ang biktima mula sa pamilya at mga kaibigan
- Pinapahirapan ang biktimang makasalamuha ang ibang tao
- Pagbabanta na may masamang mangyayari kung aalis ang biktima
- Pangmamaliliit at pang-iinsulto sa biktima
HIndi lamang ito indikasyon na mangyayari ang pang-aabuso sa hinaharap. Ito ay maituturing ng pang-aabuso.
Napag-alaman sa pinakabagong ulat ng inTouch Multicultural Centre Against Family Violence, 92 porsyento sa mga salarin ay minamanipula nila ang kanilang mga biktima.

Many victims of family violence on temporary visas remain trapped in abusive relationship for fear of deportation. Source: iStockphoto
'Cultural Conditioning'
Ayon sa isang social worker na si Anu Krishnan, kadalasan hindi alintana ng biktima ang panggigipit at pangmamanipula dahil sa mga nakasanayang pag-uugali sa nakagisnan nilang kultura.
Halimbawa, aniya, ang pamimilit sa isang tao na mula sa Muslim o Hindu background na gumawa ng isang bagay na taliwas sa kanilang paniniwala o ang pamimilit sa isang taong vegetarian na magluto ng karne at pagalitan ito kung tumanggi ay maituturing na na pangmamanipula.
"Some of these do not look like extreme coercive control, but they can be more harmful and eat away at a victim survivor’s core," aniya.
This is a system of behaviour that basically doesn't stop. It's an ongoing coercive behaviour and even the good times are a part of the coercive control. The trapping nature of it is absolutely fundamental to it. - Jess Hill
Lumabas sa datos ng ‘Children by Choice’ sa Queensland, na 1 sa 5 kababaihan na mula sa iba’t ibang kultura at wika ay nakaranas ng 'reproductive coercion' kung saan sapilitang aanakan ang biktima. 3 sa 4 na mga kababaihang ito ay nagpahayag din na nakaranas ng karahasan sa tahanan o pamilya.
Ayon sa social worker na si Jatinder Kaur, sapilitang aanakan ng partner ang biktima para mas lalo madali nitong makontrol ang babae.
"Other aspects that I have seen is around whether it’s gender selection or forcing abortions and maybe the woman wanted to keep the child, but the partner does not want to have a child," ani ni Jatinder Kaur.
Mga limitasyon sa visa at espesyal na probisyon kaugnay sa domestic violence
Sinabi ng mamamahayag at author na si Jess Hill na maraming biktima at survivor na naka-temporary visa ang nag-aalinlangang mag-report dahil sa takot na mawala ang kanilang visa.
"People say, ‘why don’t people just leave these situations?.’ You are so exhausted and working so hard to survive psychologically and physically, the idea of leaving, particularly if you are a migrant, particularly if you are on a temporary visa, is so complex," dagdag niya.
Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang mga naka-temporary partner visa (subclass 309 o 820) o prospective marriage visa (subclass 300) na nakaranas ng pang-aabuso, na maituloy ang kanilang aplikasyon para sa permanent partner visa kahit matapos ng kanilang relasyon.

Jess Hill, investigative journalist and author of See What You Made Me Do. Source: SBS
Ayon kay Ali Mojtahedi, principal solicitor sa Immigration Advice and Rights Centre, kailangan lamang ng mga aplikante na magpakita ng katibayan na sila ay dumanas ng karahasan para kanilang ma-access ang family violence provisions ng migration law.
The easiest way is through what we call judicial evidence, which can include a court conviction or a court order, usually a final AVO.
Kung walang maipakitang ebidensya na mula sa korte, ang mga patunay na tulad ng mga ulat mula sa isang doktor, mga statutory declaration mula sa mga psychiatrist, psychologist at social worker ay kakailanganin.
"There are strict guidelines about what those reports need to include," ani G Mojtahedi.
Panawagan para palawigin ang 'family violence provisions'
Limitado ang maaaaring maka-access ng family violence provisions. Pero payo ni G Mojtahedi, hindi dapat ito maging hadlang para sa mga naka-temporary visa. Hindi dapat nila hayaan ang sariling makulong sa isang mapang-abusong relasyon sa takot na baka mawalan sila ng visa.
"They might be able to apply for a visa on the basis of some other visa criteria that they may meet," says Mr Mojtahedi.
Layon ng ilang grupo na mapalawig ang batas kaugnay sa Family Violence para maisama ang mga naka-temporary visa.
"Australia should have a woman at risk on Shore Visa. So, any woman, regardless of which migration pathway they've come to Australia if they become a victim of family violence in Australia, should automatically get a two-year woman at risk visa to allow them to be able to get the help and support they need," says social worker Jatinder Kaur who has also made submissions to various government inquiries.
Handa na ba ang Australia na gawing iligal ang coercive control?
Bukod-tangi ang Tasmania na gawing iligal o labag sa batas ang panggigipit at pangmamanipula.
"It's inevitable that it will be criminalised all over Australia," ani Jess Hill.
It's just about making sure that in that process everybody is represented... so that we craft legislation, we design training for the systems that need to respond to these laws are such that is not going to end up criminalising victims.
Pero may iba-ibang hanay ng komplikasyon na dapat na maunang matugunan para sa mga kababaihan na naka-temporary visa, kasama na ang access sa social services, pabahay, Medicare at legal support, ayon sa migration lawyer na si Ali Mojtahedi.
Ang series ng SBS kaugnay sa Domestic Violence na pinamagatang 'See What You Made Me Do' ay mapapanood 8:30pm Miyerkules ika-5 ng Mayo. Panoorin sa SBS o i-stream sa SBS On Demand. Ang 2dalawang bahagi ng serye ay itutuloy sa 12 & 19 ng Mayo, at maaaring mapanood ulit tuwing Linggo, 9.30pm sa SBS VICELAND.
Kung ikaw o may kakilala kang nasa panganib o nangangailangan ng agarang tulong, tumawag sa 000
Kung nais mong may makausap tungkol sa karahasan sa pamilya o sexual assault, magtungo sa 1800respect.org.au o tumawag sa 1800 737 732
Men’s Referral Service 1300 766 491 ntv.org.au (anonymous and confidential telephone counselling for men)
The National Disability Abuse & Neglect Hotline 1800 880 052 for reporting abuse/neglect of people with disability.
ELDERHelp | 1800 353 374 to know how you can get help, support and referrals.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN DIN