Isa sa mga tampok na instalasyon sa nakaraang taong Vivid Sydney na kinabibilangan ng ilang Pilipinong designer ay tumanggap ng parangal mula sa prestihiyosong Lighting Awards sa Australya.
Ang labis na kinagiliwan ng mga tao na "Harmony", isang puno ng makukulay at gumagalaw na ilaw na may musika pa, sa nagdaang taong Vivid Sydney ay tumanggap ng Luminaire Design commendation award mula sa NSW Illuminating Engineering Society (IES).
Mga Highlight
- Ang 'Harmony', isang interactive musical tree installation sa Vivid Sydney 2019 ay kinilala sa natatangin nitong disenyo ng mga gumagalaw na ilaw.
- Ginawaran ng Luminaire Design Commendation Award mula sa NSW Illuminating Engineering Society (IES) ang gawa at disenyo ng Pilipino na si Rodolfo Tan Jr. para sa kahusayan ng mga LED lights nito.
- Dahil sa pandemya, ang tanyag na taunang Vivid Sydney ay kinansela sa taong ito, kaya isang pagbabalik-tanaw sa nakaraang taong kaganapan ang ating maaaring gawin.
Hindi inaasahan ng pangunahing artist ng "Harmony" tree na si Rodolfo "Rod" Tan Jr. na makakatanggap ng pagkilala sa kanyang ginawang disenyo at instalasyon.
Ang "Harmony" ay isang makulay na kumukutitap puno na may interactive pressure pads na nagpapagana ng musika at paggalaw ng ilaw, na itinayo at at nakita ng mga manonood sa Royal Botanic Garden Sydney noong nakaraang taon.

Rod Tan Jr of Conybeare Morrison International posing with the Luminaire Design Award of Commendation from NSW IES. Source: Supplied

Harmony's main designer Rod Tan Jr. Source: Jackie Chan/Conybeare Morrison International
Also read/Listen to

Filipino artist Rod Tan designs "Harmony" at Vivid Sydney
Tulad ng isinisimbolo na pagkakaisa ng mga multikultural na komunidad ng Australya, sa tulong ng kasamang artist na si Lawrence Liang, at mga kasamahan sa trabaho na sina Rene-Ann Glover at Benn Starr, ang makulay na puno ay binuo ng 6,000 LED lights na isinaayos sa anim na daloy, na paikot sa puno ng kahoy at nagbabago-bago ang mga kulay.
Isa pang tumanggap ng Commendation Award mula sa NSW IES ay ang "Nostalgia Above" kung saan kasama sa mga tumulong sa paggawa ng naturang instalasyon ang Graphics Manager na si Rene-Ann Glover.
Tampok sa instalasyon na "Nostalgia Above" ang isang kumpol ng mga ulap na nakasabit sa itaas na tila gumagalaw ang mga ito sa hugis na sphere, lumilikha ng ilusyon ng gumagalaw na mga ulap.

'Harmony' tree Source: Jackie Chan/Conybeare Morrison International

Nostalgia Above Source: Vivid Sydney/Destination NSW
Ang matingkad na projection ng mga kulay na naka-programa bilang proyekto ng sistema ng panahon ay nagpapa-alala sa mga tao na laging may mas maliwanag, mas positibong araw na darating.
Also read/Listen to

Collaborating for three Vivid Sydney installations