Vlogging: Paano kumita gamit ang mga creative online content?

how people make a living by vlogging

Making a living through vlogging Source: Getty Images

Uso na kahit saan ang vlogging. Pero bukod sa pagbuo ng nakakatuwang videos online, paano nga ba kumikita ang mga vloggers? Handa ka bang ipagpalit ang trabaho mo sa career na ito? Alamin ang mga tips mula sa content creator na si Dwaine Wooley.


Highlights
  • Usong-uso sa mga Pinoy ang vlogging
  • Kailangang planuhin mabuti at magresearch kung ano ang mga sikat na topic
  • Sa mga nais sumubok, nagbigay ng payo ang content creator na si Dwaine Wooley
Sa patuloy na pagbabago ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, sari-saring trabaho na ang napagkakakitaan ng mga tao online.

Isa sa pinaka-nauuso ang vlogging o video blogging na nagiging career na ng maraming netizen.


 

Ito yung pagkukwento ng iba’t ibang topic sa harap ng camera na inuupload sa social media at YouTube.

Karaniwan ang pagbibigay ng tips sa pamamasyal, pagkain, pang-araw araw na buhay, nakaka-aliw na kwentuhan, pranks at marami pang iba.

Pero taliwas sa inaakala ng marami na madali lang kumita at maging vlogger.

Ayon sa Australian content creator na si Dwaine Wooley ng “Dwanta” hindi basta-basta ang preperasyon sa likod ng camera.

“Nagbe-brainstorming kami and we research kung anong topics ang pinag-uusapan lalo na sa Pilipinas”

Bukod sa pagplano at research mahalaga rin paghahanda ng mga gamit tulad ng camera, editing software at mga creative content ideas para maiba.

Paano ka kikita sa vlogging?

Tanong ngayon ng marami, sa dami ng mga napapanood online, pwede ba talagang kumita sa career na ito?

“Kumikita ka ng pera sa mga ads na lumalabas sa video mo”

“Tuwing may ad, it means someone is getting paid. We get paid a lot kung papanoorin nila yung buong ad, pero kung i-skip nila, konti lang ang kita namin”

Nasa higit 1.2 million na ang subscribers ng dwanta sa  YouTube, 1.7 million followers sa  Facebook at higit 100,000 followers sa Instagram.

Paliwanag ni Dwaine, malaking tulong ang pagdami ng subscribers pero hindi dito nakabase ang kinikita nila.

“Hindi sya per subscriber, kung pwede lang sana. Kahit nasa 1million subscriber ka na, kailangan mo pa rin mag-upload ng content at mag-isip ng magandang ideas, mag create ng thumbnail at mag edit ng video”

Magkakaiba rin ang natatanggap na bayad ng Dwanta sa kanilang mga content.

Sa isang buwan, pinaka mababa ang  $1,500 USD o Php73,000. Sa isang panayam sa Business Insider, inamin nitong minsan na silang nakatanggap ng $9000 o nasa Php430,000.

Paano nabuo ang Dwanta

2011 nang magsimulang mag-vlog si Dwaine sa Pilipinas. Bilang isang misyonaryo noon, nakakapagsalita sya ng Tagalog, Bisaya at Waray. Naging daan ito para kagiliwan sya ng maraming Pinoy viewers.

Sa pagdaan ng panahon, nagbabago ang takbo ng kanyang mga content.

Kung noong una ay mga lakwatsa, ngayon ay tungkol na sa pamilya ang laman ng kanilang YouTube account. Katuwang na rin ny ang asawang si Shanta sa pagbuo ng mga video.

“Originally gusto sana namin ay travel, short skits mga prank, pero napansin namin na mas gusto ng viewers namin ang family, lifestyle at Filipino culture vlogs.”

A family affair

Isa pang kinagigiliwan ngayon ang baby nila na si Nitro na patuloy na humahakot ng fans at viewers.

“Masarap yung feeling kasi vlogging is my work and now na kasama ko sila sa trabaho ko so masaya din kasi hindi ko sila kailanagn iwanan para mag-work.”

“It means we can share or happiness as a family sa viewers namin.”
Dalawang video kada linggo ang inuupload nila para manatiling aktibo online. Pero bukod sa vlogging, marami ding raket ang dating piloto na si Dwaine tulad ng event hosting, singing, language app at board game designing.

Aniya lahat ng pwedeng pagkakitaan para sa pamilya gamit ang kanyang talento at kakayahan ay sinusubukan nya.

Payo ni Dwaine Wooley sa mga gustong sumubok ng vlogging

Payo naman ni Dwaine para sa mga nagsisimula pa lang sa kanilang vlogging journey, maglaan ng oras at mahabang pasensya.

“Kahit nagtrabaho ka ng matagal o maigi sa isang video, it doesn’t mean na papatok yan. So the best advice I could give is wag kayong ma-disappoint kung walang masyadong views kasi baka mag stop na kayo sap ag-upload. Just have a low expectation on your views and focus more on creating really good content and eventually if you do that, you’ll get a ton of views and you’ll be big”

Intensyunal man ang pagbabahagi ng mga video o kahit dala lang ng pagka-bagot, hindi matutumbasan ang sayang dulot ng ng makabagong paraan na ito ng pag-aliw sa mga manonood.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand