Tatlong mga sakit na banta sa kalusugan mga Pilipino sa Australia

A check up at the GP

Regular check-ups are crucial, especially because Filipinos often don’t feel sick until it’s too serious. Source: iStockphoto

Habang patuloy na lumalaki ang populasyon ng Pilipino sa Australia, unti-unti ding humaharap sa iba’t-ibang uri ng mga sakit ang komunidad. Ayon kay Specialist GP Dr. Angelica Logarta-Scott, ang mga sakit na ito ay malubhang nakaka-apekto sa buhay ng maraming Pilipino. At madalas, hindi ito nare-realize hanggang sa huli na ang lahat.


KEY POINTS
  • Ang sakit sa puso at stroke ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Australia at isang malaking banta sa komunidad. Ang mga Pilipino ay likas na may mataas na panganib sa mataas na presyon ng dugo at kolesterol. Lalo pa at mahilig ang mga Pilipino sa mga prito at maalat na pagkain.
  • Ang Type 2 diabetes ang pangalawang pinakakaraniwang sakit sa komunidad ng mga Pilipino. Marami sa mga Pilipino ang mahilig sa puting kanin, matatamis na panghimagas, at mga processed na meryenda, ngunit ito ay maaaring magdulot ng insulin resistance. Dagdag pa ang epekto ng shift work na nakaka-apekto sa tulog at metabolismo, at resulta nito ay isang komunidad na humaharap sa nakababahalang mataas na rate ng diabetes.
  • Ang pangatlo ay chronic kidney disease, na tinatawag na silent killer. Karaniwan itong nagsisimula sa hindi naaalagaang mataas na presyon ng dugo o diabetes. Maraming Pilipino din ang umiinom ng over-the-counter na gamot para sa pananakit ng katawan nang hindi nila namamalayan na maaari itong makasira sa kidneys sa paglipas ng panahon.
Ang Healthy Pinoy ay weekly segment ng SBS Filipino na tumatalakay sa kalusugan. Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.
Many of these diseases are preventable with small lifestyle changes. Regular check-ups are crucial, especially because Filipinos often don’t feel sick until it’s too serious. Prioritise your health even if you feel fine, your future self will thank you.
Specialist GP Dr. Angelica Logarta-Scott
RELATED CONTENT

Healthy Pinoy

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand