Bowel cancer mas bata ang biktima, libreng test kits kailangan ipamigay sa mga 50 taong gulang pababa

BOWEL CANCER HOME TEST KIT

A supplied digital illustration, obtained on Thursday, January 17, 2018, of a home test kit designed to detect bowel cancer. Australians will be encouraged to take advantage of the national bowel cancer screening program in a new advertising campaign stressing it could save their life. (AAP Image/Supplied by Cancer Council) NO ARCHIVING, EDITORIAL USE ONLY Credit: CANCER COUNCIL/PR IMAGE

Libreng test kit para sa bowel cancer ay dapat ipamigay sa 50 taong gulang pababa sa Australia batay sa mga rekomendasyon sa pederal sa gobyerno.


Key Points
  • Ang 22taong gulang na si Alliah Ysabel Ortiz ay maingat sa kanyang pamumuhay. Sinisiguro niyang tama ang kanyang kinakain at regular na nag-eehersisyo, at pabor siya sa maagang pagsusuri ng kanser sa bituka.
  • Sa kasalukuyan, ang mga Australyanong nasa edad 50 taong gulang pataas ay pinapadalhan ng libreng mga test kit para sa bowel cancer kada dalawang taon. Ang tumataas na bilang ng mas batang mga pasyente ay nag-udyok sa panawagan na maging available ang programa ng pagsusuri sa mas maagang edad.
  • Sinabi ni Julien Wiggins, ang chief executive ng Bowel Cancer Australia, na ang mga draft na gabay para sa Kagawaran ng Kalusugan ay nagrekomenda na ibaba ito sa 45, at umaasa siya na maaaring magbago ito sa loob ng susunod na 12 na buwan.
Isa lang ang dahilan ni Alliah Ysabelle Ortiz kung bakit kahit bata pa ito, sinisiguro nitong nasa maayos ang kanyang pangangatawan ay upang maiwasan ang simple at malubhang sakit, kapag tumaas ang edad, tulad ng nakita niya sa kanyang mga kaanak.

Dagdag nito, gusto rin niyang maiwasan ang sakit na kanser na pabata ang mga nagiging biktima.

Bukod pa rito, nais din niya na maiwasan ang sakit na kanser na nakakaapekto sa mas bata pang mga biktima.

" I exercise and most of the time I do walking and as much as possible I eat proper food because I don't want to get sick."

Sa nakaraang 30 taon, mayroong malaking pagtaas sa bilang ng mga kaso ng colon cancer sa mga mas bata pang grupo - higit sa 250 porsyento sa mga nasa edad 15 hanggang 24.

Ngunit natuklasan ng isang bagong pag-aaral na madalas silang nahihirapang labanan ang age bias kapag sila'y nagpapatingin sa doktor.

Ayon sa pinuno ng mga mananaliksik na si Dr. Klay Lamprell - mula Australian Institute of Health Innovation ng Macquarie University, ang pagdiagnose kasi ay maaaring tumagal nang hanggang 60 porsyento na mas mahaba kaysa sa mga mas matatandang pasyente.

Ngunit ang bilang ng mga kaso sa under 50 ay patuloy na tumataas na ngayon ay nagiging isa sa bawat sampung kaso.

Sinabi din ni Dr. Lamprell na kung ikaw ay ipinanganak noong 1990s, ang iyong tsansa na magkaroon ng colon cancer ngayon ay doble kumpara sa mga ipinanganak noong 1950s.

"And what we found was overwhelming that they had issues with their GP's low suspicion of cancer, which is understandable. Despite the increases, bowel cancer is still more prevalent in people over 50. So it seems that in a sense the message hasn't got there yet to health systems that this issue is going on. That they need to put bowel cancer on the radar when they are dealing with young people who have symptoms."

Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand