Gaya na lamang ng maraming mga alagad ng sining na hindi napigilan sa kanilang pagiging malikhain sa paghahanap ng mga paraan upang maipagpatuloy ang kanilang paggawa ng sining.
"I am seeing a lot of artists doing studio tours online, doing Instagram interviews. They are using the lockdown time to actually reflect on their artworks," pahayag ng manunulat at producer na si Mariam Arcilla.
Mga highlight
- Mas naging maparaaan ang mga alagad ng sining sa paghanap ng iba't ibang paraan upang magpatuloy sa mga likha sa gitna ng pandemya.
- Ang "Interno" ay isang serye ng podcast tungkol sa ilang mga artist mula Australia, Amerika at Asya.
- Nabago ang buhay at mas naging aktibo online ang maraming artist upang mapanatili ang kanilang sining.
Binuo ni Mariam Arcilla ang isang serye ng mga podcast na nagtatampok sa ilang mga alagad ng sining na mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Pagiging malikhain sa gitna ng pandemya
Kinailangan ng writer/producer na maiakma ang kanyang mga proyekto sa kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya.
“I had to adapt a lot of the projects that I was doing. I’m a writer, I usually interview people in person. I had to adapt the way I write. I had an interview with an art collector – they collected a lot of artwork but I was not able to visit their house because of the virus so they showed me their house tour in a small iPad," pagbabahagi niya.
Sa tulong na pagpopondo mula sa Institute of Modern Art (IMA) na pinondohan ng Pamahalaang Queensland, nagawa niya ang kanyang proyektong Interno.
Ang "Interno", na bahagi ng Making Art Work initiative ng IMA, ay apat-na-serye ng podcast ng mga panayam ni Arcilla sa ilang mga artist mula sa Australia, North America, Canada at Asya.
Sa unang bahagi ng serye, ibinahagi ng tatlong Filipina mula New York na sina Gabriella Mozo, Marielle Sales at Mal Tayag ang higit nilang pagiging aktibo online para sa sining at pagtataguyod ng karapatang pantao.

Mariam Arcilla at home during quarantine. Source: Eloise Fuss
Pinamamahalaan ng tatlo ang Sari-Sari Studio, isang collective na nagtataguyod sa mga BIPOC (Black, Indigenous, People of Color) at mga 'Filipinx' na mga creative at innovator mula sa buong mundo.
"Right now they are fighting for Black Lives Matter and BIPOC solidarity and at the same time there’s a pandemic. Their whole priority is social activism versus social distancing," saad ng producer ng Interno.
Inilabas nila kamakailan ang bagong isyu ng kanilang magazine na Kapwa. Tinawag nila itong "Quaranzine", tampok ang 60 mga Pilipinong artists, photographers, writers at designers mula sa iba't ibang bahagi ng mundo at ang hamon ng pagiging nasa lockdown habang patuloy ang paggawa ng sining.
Pakikibaka at paglaban sa pandemya

Sari-Sari Studio's Gabriella Mozo, Mal Tayag, Marielle Sales. Source: Sari-Sari Studio
Sa isa pang bahagi ng podcast, inihayag ng Australian artist na si Sara Morawetz ang kanyang pakikibaka sa sakit nang siya at ang kanyang asawa na isang NASA scientist, ay mahawaan ng coronavirus habang nakatira sa New York.
Idinokumento ng 2016 winner ng National Emerging Art Prize ang pagkakasakit nilang mag-asawa, mga kaganapan patungkol sa pandemya at mga protesta na nagaganap sa kanilang paligid.
Naghahanap ang nakatanggap ng 2017 Vida Lahey Memorial Travelling Scholarship (QAGOMA Foundation) ng mga paraan upang maipagpatuloy ang kanyang mga proyekto at pagtatanghal na nahinto dahil sa COVID-19.
Sa natitirang bahagi ng serye, kinausap din Marian Arcilla ang Maori artist na dating taga-Brisbane na si Sezzo na nasa South Korea ngayon at Australian contemporary jewellery designer Bianca Mavrick na nakabase sa Qeensland.
Positibong pananaw sa gitna ng lockdown
Pinatutunayan lamang ng mga alagad na ito ng sining na anuman ang kanilang kaharaping hamon, makakahanap sila ng mga bagong paraan para magpatuloy sa kanilang mga gawa,
"They are using lockdown time to actually reflect on the artworks and how they contribute to the wider world as artists and as human beings," ani ni Bb Arcilla.
"It has not prevented many creative people from creating, but it has made them think of new ways to talk about their work and about what they are contributing to the world in a more positive and meaningful way, not that it was not like that before," lahad ng producer ng Interno,
BASAHIN DIN / PAKINGGAN