Key Points
- Si Kristine Anne Tayag at asawang si Mark, ay patuloy na nagpupursigi na baguhin ang kanilang lifestyle at kumain ng masusustansyang pagkain, lalung-lalo na ang pagkain ng calcium-rich food, upang tiyakin ang kalusugan ng kanilang paparating na baby.
- Healthy Bones Australia hinihikayat ang mga 50 taong gulang pataas na sumailalim sa Bone Mineral Density test.
- Pag-inum ng gatas o pagkain ng calcium rich food ay makakatulong sa pagpapatibay ng buto.
Lumalaki na ang tiyan ng first-time mum na si Kristine Anne Tayag mula Pampanga, at ngayong nandito na nakatira sa Sydney kumakain siya ng tama at masusustansyang pagkain.
Kwento niya kung noong dalaga pa ito ay multivitamins lang ang kayang iniinom araw-araw, ngayon dahil pinakamahalaga ay ang maging mabuti ang kondisyon ng kanyang katawan pati na ang magiging anak, sinisikap niyang makain ang masusustansyang pagkain at food supplements tulad ng bitamina sa buto.

Kristine Anne Tayag and her husband, Mark, consistently make efforts to change their lifestyle and consume nutritious foods, particularly those rich in calcium, to ensure the health of their upcoming baby. Source: Kristine Anne Tayag
" It gives us peace of mind, I think as early as now mas maganda simulan ang healthy lifestyle. Aside from prenatal vitamins, I also have calcium supplements at vitamin D.
Sa diet ko ini-incorporate ko ang milk , sa mga smoothies nilalagyan ko ng berries and other calcium-rich food, dagdag ni Kristine.
Ang mga hakbang na ginagawa ni Kristine aypara maging malusog ang pangangatawan pati ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ayon sa isang endocrinologist na si Dr Weiwen Chen mula St Vincent Hospital sa Sydney, ang buto ng isang tao habang tumataas ang edad ay nasisira o humihina nang hindi nalalaman.
At ang anumang sakit na maaaring maramdaman ay maaaring higit pa sa simpleng fracture o pagkabali. Ito'y maaaring humantong na tinatawag na osteoporosis.
Halus walang mararamdaman sa ganitong sakit pero humihina ang buto at mas malubha ito kaysa kapag nabalian ng buto.
“Osteoporosis basically consists of two parts where you have less bone and more importantly your bone quality, the bone structure is not as strong so together, they result in an increased risk of risk factors.
And I know that most people might think fractures are not that important but if you can imagine just the risk from poor bone health, it can severely disrupt your life and mobility,” paliwanag doktor.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.