Key Points
- Carmelita 'Mel' Baltazar ay isang Bilingual Health Educator sa Western Australia.
- Layunin ng libreng sesyon sa kalusugan na maging maalam ang mga kababayan sa mga isyu sa kalusugan at mabigyan ng tamang serbisyo.
- Ang serbisyong ito ay inaalok din sa mga international students at temporary visa holders na maaaring nagkakaroon ng problemang pinansyal.
Ayon kay Carmelita Baltazar isang Bilingual Health Educator, isa sa kanyang mga tungkulin ang pagbisita sa mga kababayan upang gabayan sa kung ano ang dapat gawin para matulungan sa kanilang problema.

Bilingual Health Educator Carmelita 'Mel' Baltazar works with women in the Filipino community in Western Australia. Source: Carmelita Baltazar
Hinihikayat din niya ang mga kababayan sa Western Australia na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng tamang serbisyo.
Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan kay Carmelita Baltazar sa carmelita@ishar.org.au
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.